Tulala ako habang papalayo ang bulto niya mula sa aking kotse. Bumalik lang ako sa huwisyo nang ganap na siyang nasa loob ng kanilang gate at nila-lock na iyon. "Hoy, ang daya mo. Isa pang kiss!" ang naisigaw ko. Maloko niya akong nginitian sabay iling. Gustuhin ko man siyang dambahin para mahalikan muli ay mabilis na siyang nawala sa paningin ko. Nagmamadali siya dahil baka mag-warfreak na naman si mother witch. Medyo nakaramdam ako ng pag-aalala dahil baka pagtulungan na naman siya roon. I sighed. Kumaway siya muli bago tuluyang pumasok ng pinto habang ako naman ay nagpalipad ng halik. Napahagikhik ako sa sariling kabaliwan. Buong araw naging maganda ang mood ko. Walang pasok kaya napagpasyahan kong mag-ikot sa bayan upang humanap ng apartment. Dahil hindi ko naman gamay ang luga

