"Chill ka lang. Walang nangyari." Pero namundok ka kagabi. Gusto ko iyong sabihin ngunit hindi na lang dahil baka bigla niya akong layuan. Ayoko rin na balikan pa iyon. Mas maganda iyong mahal niya na rin ako kung gagawin namin 'yun. Hay, sarap mangarap. Dumapa ako at pumahalumbaba habang masuyong nakatingin sa kanya. Nakakaakit iyong mahahaba niyang mga pilik mata. Ang natural niyang mapupulang labi ay bahagyang nakanguso dahil patagilid ang kanyang higa. This man is a walking tease. Alam kong marami pa akong pagdadaanang mga babae mapasa'kin lang si Drei. Sana lang talaga mapansin din niya ako. Pero, wala naman siyang choice, eh. Dahil simula ngayon ay lagi na niya akong makakasama. Aalamin ko lahat ng aktibidades niya sa buhay at hahadalangan ko lahat ng titibag sa pagsasama namin.

