Hanggang sa makauwi ay hindi ko pa rin lubos na mapaniwalaan ang mga naganap kanina. May instant appliances na ako and furniture sa halagang three-hundred pesos lamang sa loob ng isang taon? Nawiwirduhan man sa may-ari ng apartment ay malaki pa rin ang pasasalamat ko "Ate, siguro mayaman siya ano? Grabe naman. Sana all talaga. Gusto ko ng ganoong kalaking tv, eh. Lagi talaga kami roon ‘Te, ah? Sigurado ang sarap doon mag-movie marathon," sabik na ani ni Tala habang nakahalumbaba. Malaki naman ang tv namin ngunitnhindi ganoon kalaki. Para ngang pang entertainment room na iyon. Kahit ang sofa na second hand na daw ay lazy boy. Nakakaloka! My sisters were still in my room helping me pack some of my things. Iyong mga matitira ay ako na lang. Ayokong kasama sila sa page-empake ng kalahatang g

