LALAINE FRANCISCO LEVISTE Ala syete y media nang makarating ako sa bahay. Hinatid ako ni Mae hanggang tapat ng bahay at umalis din agad sila. Patay na ang ilaw sa sala kaya dahan-dahan ko lang binuksan ang gate. Mukhang tulog na yata si Manang, siguro ay napagod sa pag-iintindi sa bahay. Si Neil kaya nandito na o may pinuntahan pa? Pero saan naman 'yon pupunta ngayong linggo? Baka kay Margarette 'yon. Susuyuin siguro, ganoon. Pumasok ako sa loob ng bahay at hindi nag-abalang buksan ang ilaw. Gusto ko na rin naman magpahinga dahil napagod rin ako. Dahan-dahang paghakbang lang ang ginawa ko para hindi makagawa ng ingay. "Bakit ngayon ka lang?" Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang boses ni Neil kasabay ang pagbukas ng ilaw sa living room. At nakita ko si Neil na nakatayo sa t

