NEIL IVAN LEVISTE Maaga akong nagising kinabukasan at sa kusina agad ako dumiretso pagkatapos ko maghilamos ng mukha. Naabutan ko si manang na nagluluto ng almusal. Lumapit ako sa kaniya at sinilip ang niluluto niya. "Goodmorning, manang,” bulong ko malapit sa tenga niya. "Ay! Anak ng hotdog! Diyos ko naman, Neil. Bakit ka ba nanggugulat?" tanong ni manang nang lingunin ako. Ngumiti lang ako at saka naglakad paupo sa isang upuan. "Sorry po," sagot ko nang nakangiti. Sumulyap sa akin si manang bago nagtimpla ng kape. "Mukha yatang maganda ang gising mo, ah. Ano bang mayroon at masaya ka yata?" tanong ni manang nang mailapag ang isang tasang kape sa harapan ko. "Wala naman po, maganda lang araw ngayon. Si Lalaine po ba ay tulog pa?" Pag-iiba ko sa usapan. Bumalik na si manang sa gina

