LALAINE FRANCISCO-LEVISTE Sa ilang araw na lumipas ay iniwasan ko pa rin si Neil kapag dumarating ako sa bahay. Sa tuwing magkakasalubong kami ay babalik ako sa kwarto at kapag wala na siya saka ako lalabas. Kapag naman nasa school ako ay si Achi ang lagi kong kasama dahil busy si Mae. Minsan din akong sinundo ni Neil sa school pero nagpanggap akong hindi siya nakita at si Achi ang naghatid sa akin, at nang gabing 'yon ay hindi umuwi si Neil. Hinayaan ko siya dahil kung kaya niyang magpanggap na walang nangyari, kaya ko rin. July na at ito ang unang Monday ng buwan ngayon. Kasalukuyang uwian na rin, kaya sabay kaming naglalakad palabas ng school ni Achi. Natanaw ko naman agad ang sundo kong si Mang Karding na nakatayo sa gilid ng sasakyan. "Oh, dito na lang, Achi, see you tomorrow,” na

