THE CEO’S CONFIDENTIAL LOVER (Sensational Romance Novel: Joemar Ancheta) Chapter 67 Huminga ng malalim si Adam. Humarap siya kay Dante. Kailangan nilang magtulungan para magiging ligtas ang pamilya nito habang nagsasabi siya ng katotohanan para tuluyan na rin siyang makalaya. Sa wakas, nakakakita na siya ng liwanag. Ngumiti siya. Nabubunutan na siya ng tinik sa dibdib. Makakalaya na siya! "Hindi ko alam kung paano nagawang pag-aralan lahat ni Sir Ringgo ang lahat nang ito na lalabas na malinis siya at wala siyang magiging kinalaman sa lahat ng nangyari," pagsisimula ni Dante. "Tanggap ko na kasalanan ko ang lahat nang ito dahil ako din naman ang nagbigay ng idea sa kanya na puwede naming gawin ito para mapadali ang pagpapalayas sa mga informal settlers. Sinunod ko lahat ang mga inut

