THE CEO’S CONFIDENTIAL LOVER (Sensational Romance Novel: Joemar Ancheta) Chapter 71 Pakiramdam nila, sila lang dalawa ang naroon. Tanging malambot na labi lang nila ang kanilang nararamdaman, kahit amoy alak silang pareho ngunit iyon na ang pinakamabango na nilang naamoy at wala silang naririnig kundi ang mabilis na t***k ng kanilang mga puso. "Putang ina! Anong ginagawa ninyo? Ano to!" singhal ng galit na galit na si Ringgo. Natigilan silang dalawa. Mabilis na itinulak ni Adam si Ricci kahit alam niyang huli na para gawin niya iyon. Nagpadala sila sa silakbo ng kanilang damdamin.. Bago pa man nakabawi si Ricci at Adam sa pagkakabigla ay mabilis nang lumapit si Ringgo kay Ricci. "Putang-ina mong basura ka! Ngayon lang ako makagaganti sa ginawa mo sa akin sa restaurant noon. Gu

