CHAPTER 22 "Etong dessert mo." iniabot niya ang isang cone sa kanya at sinimulan na ni Ricci na dilaan ang isang hawak niya. Tinikman ni Adam ang ice cream. "Chocolate flavor?” “Yes. Why?” “I am not eating chocolate. Ayaw ko ne'to." "Etong akin Cheese kaso nadilaan ko na, gusto mo palit na lang tayo?" "Sige na, akin na lang 'yan." Ngunit bago niya ipinalit ang chocolate flavor ice cream niya ay dinilaan muna niya iyon nang dinilaan. "Wala namang babuyan. Dinilaan mo na ng dinilaan eh, tapos makipagpalit ka sa akin! Akala ko ba ayaw mo ng chocolate?" Reklamo ni Ricci. “Ngayon lang. Gusto kasi kita.” “Ano?” “I mean gusto ko kasi yung sa’yo?” “Gusto mo ako? Gusto mong maging sa’yo ako?” “Gusto ko yung cheese ice cream mo, bingi!” “Ayaw ko na, dinilaan mo saka mo ibibigay sa akin

