CHAPTER 77 "Impressive presentation, Engr. Saavedra." Tumango-tango ang Director. Halatang may napili na siya sa dalawang design at iyon ang kailangan malaman ng dalawang company. Sasabihin na nito ang verdict. Kinakabahan si Ricci ngunit hindi si Adam. Kampante lang itong naghintay ng desisyon. "I'm sorry Engr. Saavedra but I have to be honest na mas nagustuhan ko ang Design ng The Partners' Builders," wika ng Director. Nag-apir sina Sackey at Ricci nang marinig nila iyon. Isang malaking puntos na iyon para sa kanila. Akala kasi nila kanina, madadaan na lang sa galing ni Adam sa presentation ang kung anumang kakulangan meron ang design ng Razon's Real Estate. Mabuti na lang pala at marunong kumilatis ang Director sa bawat maliliit na detalye. Kitang-kita sa mukha ni Ringgo ang disapp

