Huminga pa ako ng malalim. Bago naman muling hinarap ang phone ko. Tsaka ako nag-return call sa missed call niya. Agad din naman itong nag ring. Aaminin kong kinakabahan ako. Habang naka open naman ang speaker ko, upang marinig din naman Hendrix ang magiging usapan namin ng Mommy niya. Ganito ako palagi ka transparent sa kanya, pagdating sa usapan namin ng Mommy niya. Ilang ring pa ay bumukas na ang linya. Kasunod ng isang malambing na boses ng isang babae. Si Kathleen. Ang bestfriend ko... "Hello, Mars kumusta?" Masiglang simula niya. "O-ok lang naman, how about you?" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko. Habang si Hendrix ay seryoso lang na nakatingin sa akin at halata din naman mula sa kanya ang pagkasabik sa napakalambing na boses ng kanyang Ina. "O-Ok lang naman, eto nasa duty

