Wala naman kaming kibuan habang naglalakad kami pauwi sa Apartment. Habang karga naman niya si Baby Amina at natutulog sa kanyang balikat. Ganito kami palagi sa araw-araw. Mga bagay na tila nakasanayan ko na nga. Ang kanyang presensiya. At ang madaming madami niyang oras para sa amin ni Amina. Bagamat may mga nagbago sa araw na ito. At dahilan din upang maging tahimik lang kaming dalawa. At mabagal na naglalakad habang napapasulyap lang sa isa’t-isa. Marahil ay nasa stage kaming dalawa ng nagtatantiyahan ng nararamdaman. Pero aaminin kong hindi naman ako nakaramdam ng kahit anong inis o galit kaya para sa kanya. Sa kabila ng mga bagay na ginawa niya kanina. Or baka naman nagkakahiyaan lang kami dahil sa nangyari… "Dito kana pala mag dinner Ken, magsa shower lang ako sandal

