One Month Later Haneda Airport Tokyo Japan Napahinga pa ako ng malalim ng mahanap ko si Tupe habang masaya at excited na kumakaway sa amin. Kaya naman napalakad kami ng mabilis habang akay-akay ko naman si Amina na ngayon ay tila naninibago sa bagong paligid na nasisilayan niya. Na malayong malayo na itsura ng Pilipinas na nakasanayan naming dalawa. "Iihhh nasan na tayo Mommy?" Inosenteng tanong pa nito habang palingap-lingap sa kalawakan ng Haneda Airport. Napakalinis at napakaganda nito. Malayong malayo sa Airport na pinanggalingan namin kanina-kanina lang. "Dito na tayo sa Japan, Baby at magkikita na din kayo ng Daddy mo." walang emosyong sabi ko pa sa kanya habang lumalakad lang kami ng mabagal patungo kay Tupe. "Iihh natatakot ako sa kanya Mommy." Mahinang bulong pa ni Amina h

