1:15 AM Sandali pa akong napabalikwas mula sa kinahihigaan kp ng bigla akong maalimpungatan at biglang maalala si Ken. Agad din naman akong bumangon at tunungo ang living room upang i check si Kenji at sandali namang mapanatag ng makita ko siyang nagigitara habang naka earphones. Napangiti pa ako at mabilis ko siyang niyakap mula sa likuran niya. Na ikinagulat naman nito. At bigla namang mapangiti ng makita ako. "I'm glad gising kana Mommy Bijjin.. Akala ko ay hanggang morning na ako maghihintay dito." nakatawang sabi pa niya. Bago naman ibinaba ang hawak niyang gitara at mabilis na tumayo at yumakap sa akin. "Kainis ka kaya, bakit hindi mo ako ginising huh?" sita ko pa sa kanya. "Naisip ko ng gawin yon kaso ayaw ko ng maistorbo pa ang pagtulog mo diba." tugon n

