KINABUKASAN, isang nakakarinding katok sa pinto ng kuwarto nila Alex ang bumulahaw sa pagtulog nila ni Jane. Mahigpit pa rin siyang nakayakap sa dalaga. Medyo napuyat rin sila, dahil ayaw tumigil sa pag iyak ang baby nila kaninang madaling araw. Hindi niya naman hinayaan si Jane lamang ang mag-alaga sa anak nila. Alam niyang masakit pa ang katawan ng kasintahan niya. Mabuti na lamang at pinadede ito ng dalaga at binihisan ng diaper kaya mabilis na natulog muli ang bata. Pero silang dalawa ng dalaga ay hindi agad nakatulog. Naglalampungan sila kagabi dahil first time nilang mag tabi sa higaan. Bumangon si Alex sa higaan at inayos ang kumot para sa dalaga. Sinilip niya muna ang kanyang little champ na masarap ang tulog. Tinignan niya ang orasan sa side table, at nakitang ala sais pa lama

