Chapter 20 - Real Relationship

2122 Words

Nagtataka si Melody na mabilis lumabas ng banyo ang asawa. At dala nito ang cellphone na pakiwari niya ay makausap dahil naka-on pa ang call noon. Dumeretso ito sa may walk-in closet nila at tila may hinahanap. Nang makita ang pakay nito ay mabilis na lumabas ang asawang si Alex kaya sinundan niya ito. Sinigurado muna ni Melody na mahimbing ang tulog ng kanyang anak na si Baby Luke bago siya lumabas ng kuwarto nila. Pagkalabas niya sa kuwarto nilang mag-asawa nakita niyang pilit binubuksan ni Alex ang kuwarto ni Jane. Magtatanong pa sana siya ngunit nakarinig na sila ng sigaw ng dalaga at mga kalabog sa loob ng kuwarto. “Tulong! Inay! Alex! Tulong!” sigaw ng dalaga mula sa loob ng kuwarto. “Tangina, huwag kang sumigaw!” sagot ng boses lalaki sa loob ng silid na tila nagra-rambulan ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD