Chapter 13 - Date Plan

2070 Words

"Ate! Mukhang bumu-blooming ka, ah? May nagpaparamdam na ba sa iyo? Huh? 'Yun ba 'yung lalaki na matagal ka ng mahal, ha, Ate?" pang-aasar na bungad sa kanya ni Totoy, ang bunso niyang kapatid. Nasa hardin siya ngayon dahil nagdidilig siya ng halaman. Okay na rin ang tahi niya kaya medyo kumikilos na siya kahit paano. Ayaw ni Alex na magtrabaho siya pero pinilit niya ito. Ayaw niyang mahalata ng mga kasama sa bahay nila na pinapaboran siya ng lalaki. Lalo na kung malaman ng mga ito na may relasyon sila. "Pinagsasabi mo riyan, Toy? Tumigil ka nga, mamaya may makarinig sa iyo maniwala pa sila," sagot niya sa kapatid habang abala pa rin sa pagdidilig. Hindi niya ito tinapunan nang tingin. Baka kasi mahalata nito na totoo ang sinasabi ng kapatid niya na may nagpapatibok na ng kanyang puso.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD