"Congratulations, Miss Jane, you are one month pregnant. Ang healthy nang ovulation mo. First day pa lang ng insemination natin, nag-match na agad ang egg cells mo at sperm cells ni Mr. Espinosa. Congratulations once again. Reresitahan na lamang kita nang vitamins para sa inyo ng baby mo. For the meantime, medyo doble ingat ka kasi on first tri-mester nang pregnancy masyadong risky at complicated ang pakiramdam. At kung kailangan mo nang ehersisyo para mas healthy, kung kaya mo lang, gawin mo. Like stretching your arms and body," salaysay ng doctor sa kanya. Nakikinig naman ang mag-asawa sa tabi niya. "Doc, normal po ba itong nahihilo? Feeling ko po kasi lumulutang ako at nasusuka? Wala po bang gamot ito?" tanong niyang nanghihina dahil sa sama nang pakiramdam. Hindi naman maiwasan na la

