Lucas’s point of view Nagising ako nang makita kong nag-papahinga si Luna sa upuan malapit sa aking kama, napansin ko rin na mukhang tahimik ang paligid kaya’t naisip ko na siguro ay nag-papahinga na ang mga tao sa lugar namin. Nang babangon ako sa aking kama ay laking gulat ko nang biglang may umalulong sa paligid ng aming lugar, kaya’t ako ay napatigil. Naisip kong baka may nakabantay sa aming paligid na mga lobo, habang nag-papahinga ang mga tao ay kumukuha sila ng tamang oras para makapag-higanti sila sa amin. Agad-agad akong tumayo, at ginising si Luna. “Luna, Luna.. Gising,” pahayag ko sa kaniya, Nang dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mata, at nagulat siya nang ako ay bumangon sa aking higaan kaya’t napabangon kaagad siya. “B-bakit ka naman bumangon, hindi ba at hindi k

