Luna’s point of view Nang makababa kami ng sasakyan ay bigla namang umimik si Charles, “Lucas—mukhang may nakasunod sa atin na hindi natin inaasahan,” saad naman niya Doon sa kaniyang sinabi ay bigla kaming napa-isip at agad tiningnan ang sasakyan na kaniyang tinitingnan. Doon pa lang sa kaniyang binabanggit na sasakyan, ay nalaman na kaagad namin kung sino ang nakasunod sa amin. “Mga kaibigan ni Elise ito hindi ba?” tanong ni Lucas kay Charles, “Oo bro, mukhang may stalker tayo ah? hindi ba sa pag-kakaalam ko may klase pa si Elise. At kaya baka tayo ininstalk, to inform her na nandito dito?” pahayag naman muli ni Charles kay Lucas. “Siguro nga, pero kung nandito na tayo at nakababa na tayo mas ayos siguro na pumasok na tayo para hindi na nila malaman kung pasaan tayo. Pag-katapos

