Ang angas ko habang sinasabi ang salitang 'yon. Pero nang makita ko ang nanlaki na mga mata ni Aya, bigla akong nahiya. Nilamon ako ng hiya. Pero pinanindigan ko pa rin ang pagiging gago. Ang pagiging hayop ko. Hindi ako nagpatinag sa nararamdaman kong hiya na si Belle lang ang nakakahalata. Nagtakip na kasi ito ng bibig, at sandaling nag-iwas ng tingin sa kaibigan niya. Lalo tuloy na dagdagan ang hiya ko dahil dito kay Belle na nagpipigil na namang tumuwa. Sinabayan pa niya ng mapang-asar na tingin at bahagyang pagyugyog ng balikat niya. "Sabi ko naman sa'yo, Belle, hindi aalis ang hayop na 'yan," sikmat ni Aya matapos ang sandaling pagkagulat. “Hindi mangyayari na kusa siyang aalis. Ang sarap nga ng buhay niya rito. Libre lahat, pati katulong,” nangagalaiting dinuro-duro niya ako. Na

