Kabanata 5

1606 Words
"B-belle, tara na." Kasabay ng naramdamang kaba, ang mahigpit na paghawak ko sa braso ng kaibigan ko. Bumakas ang pagtataka sa mukha niya pero hindi nagawang magtanong dahil sa hitsura nitong lalaking papalapit sa amin na talaga namang makalaglag-panty. Pero iba ang kutob ko habang tanaw siya. Takot ang agad kong naramdaman at hindi paghanga. Takot na naramdaman ko lang sa lalaking hayop na aking tinulungan. Hinila ko na lamang si Belle. Halos walang kurap kasi na nakatitig sa lalaki. "Halika na Belle," gusto ko na siyang kaladkarin, makalayo lamang kami sa lalaking may kakaibang ngiti habang nakapako na ang tingin sa akin. "Aya, bakit ba?" tanong nito habang pinipilit na sabayan ang paghakbang ko. "Bilisan mo na lang ang paglalakad, Belle, mamaya na ako magpapqliwanag ." "Do you really think, hahayaan kita na takbuhan uli ako?" Dumagundong ang boses niya mula sa aming likuran. Nagpatuloy kami sa paghakbang at hindi pinansin ang sinabi niya. "One more step, and you'll regret it!" Agarang huminto ang paghakbang namin. Parang dumikit sa lupa ang aming mga paa nang marinig ang banta niya. Naglakas loob akong lumingon. He flashed us a weird smirk before charging at us. "A-ang hayop," nagsimulang mamuo ang luha ko sa mga mata. "Belle... tumakbo ka na," pabulong kong utos. "Hindi... hindi kita iiwan, Aya," tanggi nito kahit bakas na rin ang takot. Nasa tapat na namin ang lalaki. "A-no pa ba ang gusto mo?" Ano pa ang kailangan mo?" utal, ngunit lakas loob kong tanong. Muli siyang ngumisi. "Isn't it obvious? I want you and I need you," bulong nito sa akin na lalong nagpangatog ng mga paa ko. Umiling ako ng paulit-ulit kasabay ang pagtulo ng mga luha. "Oh, stop crying, hindi naman kita sasaktan kung magiging mabait ka lang, and don't dare run away again." Hinawakan nito ang baba ko. "Please, po. Pabayaan niyo na po ang kaibigan ko," pagmamakaawa ni Belle. Ngunit pagngisi lamang ang tugon nito sa kaibigan ko. "What a cutie." Nakakatakot ang tingin nito kay Belle. Hinawakan niya ang ilang hibla ng buhok ng kaibigan ko. Napahagulgol na lamang ito, habang yakap ako. "Let's go." Hinablot ng lalaki ang braso ko. "And you!" duro niya si Belle. "Go home and pretend this never happened. 'Wag kang magkamaling magsumbong kahit kanino kung ayaw mong may mangyaring masama dito sa kaibigan mo," banta nito habang mahigpit ang pagkahawak sa braso ko. "Aya," tawag ni Belle sa pangalan ko, at paulit-ulit na umiling. "Sige na Belle, umuwi kana," udyok ko sa kaniya. Ayokong madamay pa siya at mapahamak dahil sa kagagahan ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Ako ang naglagay sa sarili ko sa sitwasyong ito. Walang ibang dapat madamay. Patakbong lumayo sa amin ang kaibigan ko. Bumitiw naman sa paghawak ang hayop sa braso ko. "Alam mo naman siguro ang daan pauwi, hindi ba? O, baka gusto mong kaladkarin pa kita?" Hindi ko maiwasang manalangin na sana mahimatay na lamang ako, kay sa makita pa ang pagmumukha ng hayop na ito. Walang imik akong humakbang at binaybay ang daan patungo sa kubo. Habang ang hayop ay nakasunod lamang sa akin. Madilim na at wala kaming dalang flashlight, nanlalabo pa ang paningin ko dahil sa walang humpay na pagpatak ng mga luha. Halos hindi ko na nga maaninag ang daan papunta sa kubo. "Wala ka na bang ibibilis?" bulyaw nito mula sa likuran ko na nagpa-igtad sa akin. "M-madilim po kasi," halos pabulong kong sabi kasabay ang pagpahid ng mga luha. Walang salita na hinawakan nito ang braso ko at halos pakaladkad ang ginawa, mapabilis lang ang paglalakad ko. Gusto ko nang humagulgol ng iyak. Pero pinipilit ko ang magpigil. Baka lalo lamang itong magalit at masaktan na nga ako. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib at panghihina ng katawan nang makarating kami sa kubo. Hindi ako makapaniwala sa nakita. Tumambad kasi akin ang maraming kalat sa loob ng kubo. Lalo akong nanghina nang makitang animo'y naging basurahan ang kubo ko. Nagkalat ang mga shells ng mga itlog kung saan. Matalim ang pagtitig ko sa lalaking hayop, na inahing manok yata na nagkatawang tao. Hindi man lang marunong magligpit ng basura. Umapaw pa ang hugasin sa lababo. Nakakapanghina lalo. Gusto kung sumalampak sa sahig at umiyak. Gusto kong hampasin ang buwiset na 'to. Bakit niya ba ako ginugulo ko ng ganito? Bakit niya ba sinisira ang tahimik ko na sanang buhay? Anong ba ang kasalanan ko at puro na lamang kamalasan ang nangyayari sa buhay ko? "Don't just stand there. Gutom na ako, magsaing ka!" singhal nito. Peste naman, oh! Kaya niya ba ako hinanap para gawing alila? "Bingi ka ba?" patanong na singhal nito. Kasabay ang pabagsak na pag-upo. Lumagitik ang mga shell na naupuan niya. Manok nga 'to. Barumbadong manok! Tahimik akong nagsaing. Naghugas na rin habang naghihintay maluto ang kanin at mga nilagang itlog. Naglinis na rin ako. Takot man, but I decided not to get distructed by this monstrous manok na nasa kubo ko. Nagsindi na rin ako ng lampara dahil kanina pa nakabukas ang solar lights. Natapos na akong maglinis. Hinanda ko naman ang pagkain. Nakalapag na ang pagkain sa lamesa, ngunit takot akong tawagin ang hayop. Sinadya kong ihulog ang takip ng kaldero. Taranta itong bumagon. Naalimpungatan! Pero galit na tumingin sa akin. "P-pasensya na po, nabitiwan ko ang takip ng kaldero," pabulong kong sabi. Kung gaano ka lakas ang boses niya, kabaliktaran ang boses ko na puro na lamang pabulong. Tumayo siya at walang imik na lumapit sa lamesa. Agad itong kumain, hindi man lang ako inaya. Gutom ako at pagod. Hindi man lang ba niya iyon naisip. Talaga bang kahit kaunti wala man lang siyang nakatagong ugaling tao. May puso pa ba kaya ang taong ito? Nakalimutan ko, manok nga pala ito. Maliit na nga ang puso, maliit pa ang utak. Agad kong pinigilan ang luhang nagbabadya na namang pumatak. Sumabay pa no'n ang pagkalam ng sikmura ko. "Inarte ka pa. Gutom naman pala. Ano kakain ka ba o uubusin ko 'to?" Hindi na ako tumugon, kaagad na akong nagsandok ng kanin at kumuha ng dalawang itlog. Sa sofa ako umupo. Ayoko kasing makasabay sa lamesa ang hayop na manok. Kaagad na rin akong nagligpit at naghugas saka pumasok sa kwarto. Sira pa rin ang pinto ko. Sa bagay wala namang pinagkaiba kung may pinto o wala ang silid ko. Sisirain lang din naman niya. "Aya!" rinig kong pagtawag mula sa labas. Sumilip muna ako sa bintana. "Aling Lagring, ano po ang atin?" matamlay kong tanong. "Pwede ba kaming makainum ng tubig, Aya?" tanong nito. "Pasok po muna kayo," pag-anyaya ko. Kasama niya ang dalawang binatilyo niya. "Pasensya na talaga sa abala, Aya. Naubos kasi ang dala naming tubig." Bumagal ang mga huling salita nito. "May kasama ka pala," animo nahihiya. "Ah... opo, T-tiyohin ko po," taranta kong tugon. Muntik ko nang pabutiwan ang pitchel at baso. Paano kasi. Bumalandra ba naman sa harap ng Ginang itong hayop. "Tiyohin?" gigil na tanong nito sa akin. Natiim ko ang bibig ko at yumuko. Kasi naman, baka maging laman na naman ako ng usap-usapan sa baryo. Mga konserbatibo pa naman ang mga tao rito. Hindi maaring magsama sa iisang bubong ang lalaki at babae hangga't hindi kasal. "Opo, Tiyohan nga po ako nitong si Aya!" Umakbay pa talaga sa akin, at piniga ang braso ko. "Heto na po ang tubig, Aling Lagring." Sinubukan kong kumawala sa pag-akbay nitong hayop na lalaki. Pero pinigil niya ako. "Ano nga pala ang pangalan nitong pinsan mo, Aya?" tanong ng Ginang, matapos uminum ng tubig. Inabot niya sa mga anak ang pitchel at baso. "Ah..." "Ancel po," maagap na tugon nito. May pangalan pala ang hayop na ito. "Ma, tara na po, lumalalim ang gabi na," awat ng panganay Anak sa kadaldalan ng Ina. Nakalimutan na yatang gabi na nga at malayo-layo pa ang lalakarin nila. "Paano, alis na kami, maraming salamat," paalam nito kasabay ang pag-abot ng pitchel at baso. Sa totoo lang ayoko sana munang umalis sila. Natatakot nga ako rito na instant Tito kong hayop. "Tiyohin? Anong pumasok sa utak mo, at iyon ang sinabi mo?" nagtangis ang ngipin nito. "P-po... kasi, po... basta na lamang lumabas sa bibig ko, pasensya na po," yuko-ulo kong paliwanag. "Umalis ka sa harap ko," sikmat nito. Kaagad akong sumunod. Nilagay sa lamesa ang pitchel at baso. Nakapa ko na lamang dibdib. Walang katapusang kaba na lang ba ang maramdaman ko? Kapagod na. Bumalik ako sa kwarto. Nagtalukbo ng kumot, at tahimik na umiiyak. Bahagya akong sumilip mula sa giwang ng kumot nang maramdaman ang pag-uga ng kubo. Ewan kung anong ginawa ng Ancel na 'yon, at ganito na lamang ang pag-alog ng kubo. Wala naman akong lakas na bumangon at silipin pa ang ginagawa niya. "Ancel..." mahinang bigkas ko sa pangalan nito. Ang ganda ng pangalan, hayop naman ang ugali. Hindi bagay sa kaniya. Sabagay hindi ko alam kung tunay niya ba iyong pangalan o gawa-gawa lang. Maya maya ay tumigil na ang pag-uga ng kubo. Wala na akong ginawa kung hindi ang makiramdam sa paligid. Natatakot nga ako sa maaring gawin niya. Ramdam ko ulit ang paggalaw ng kubo at ang papalapit nitong mga yabag kasabay ang pagliwanag ng silid. Nanatili akong nakatalikod at hindi gumalaw. Nagkunwari akong tulog ngunit ang mga luha ay nag-uunahan na namang naglandas. Lumuwag ang pakiramdam ko nang maramdamang lumabas ito ng silid kasabay ang pagdilim ng paligid. Pero lumukob ang kakaibang takot sa buong sistema ko nang maramdam ang muling paggalaw ng kubo at papalapit na naman ang mga yabag. Madilim na ang paligid, hindi ko na siya maaninag. Pero ramdam ko ang presensya niya. "A-nong gagawin mo?" hagulgol kong tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD