Napasalampak ako sa mga tuyong dahon matapos ang putok na ‘yon. Akala ko, katapusan ko na. Akala ko mamamatay na ako sa kamay ng lalaking mahal ko, pero dalawang sunod-sunod pa na putok ang narinig ko. Rinig ko rin ang sunod-sunod na lagabog sa harapan ko. At hindi ko magawang tingnan kung ano ‘yon. Humagulgol ako habang nakatakip sa tainga ang mga kamay kong nanginginig. Hindi ko rin magawang idilat ang mga mata ko kahit naririnig ko pa na may papalapit sa akin. “Aya, tumayo ka na." Napabalikwas ako nang nararamdaman kong may humawak sa akin at niyakap ako. Narinig ko ang sinabi niya. Alam kong si Ancel ang yumakap sa akin ngayon, pero hindi ko magawang tingnan siya. Hindi ko magawang hawakan siya. “Aya, sorry…natakot ka, but I have no choice, kailangan kong gawin ‘yon. Iyon lan

