Chapter 79

1154 Words

NANG gabing iyon ay dumating nga ang mga pulis na sinasabi ni Jeena. Kasalukuyang kinukuhanan nito ng pahayag ang maglolo nang makarinig sila ng kung anong lagabog sa silid ng mga ito. Itinaas ni Red ang kamay para pigilan ang tangkang pagtayo sana ni Jeena. Ito na raw ang sisilip sa silid upang tingnan kung ano ang ingay na narinig nila. Mayamaya pa ay malakas itong sumigaw at inanunsiyong naroon si Carlo. Gulat na napatayo ang lahat at mabilis na nagsipuntahan sa silid. Mabilis namang kumuha ng dalawang tuwalya si Jeena at nilapitan ang kapatid. Ang isa ay ipinantuyo sa buhok at katawan nito at ang isa naman ay ibinalabal sa bata. Napayakap ito sa kapatid habang umiiyak. “Saan ka nanggaling, Totoy?” tanong ng isang police officer kay Carlo. Hindi agad ito sumagot at tumingala lang, ha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD