Chapter 73

1215 Words

NANG sumunod na araw ay himalang magaling na si Carlo. Masigla na itong kumain, bagaman hindi pa nanunumbalik ang pagiging makuwento nito. Lagi lang itong tahimik pero palangiti naman. Napansin ni Amere na madalas itong mapatingin sa kaniya at parang lagi rin itong interesadong alamin ang mga ginagawa niya. Hindi man ito kumikibo ay halata naman ang kuryosidad sa anyo nito. Doon na nagpalipas ng gabi si Lolo Ismael, gayundin si Red sa bahay ni Jeena. Si Red ay nagpilit na doon na raw sa sofa sa sala matutulog at ang matanda naman ay kasama ng magkapatid sa silid ng mga ito. Nang umagang iyon ay pinagtulungan nila ni Red na ayusin ang bubong ng bahay. Pinalitan nila ang mga yerong may butas na at siniguradong matibay iyon sakaling muling magkaroon ng bagyo. Matapos ang tanghalian ay luma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD