PAGLABAS ni Amere ng silid ay nakita niya ang kaibigan na nag-aalmusal, kasalo ng mga kamag-anak nito. Napatuon sa direksiyon niya ang atensiyon ng mga ito at halos sabay-sabay na napangiti. "Lika na, pare. Tayo nang magkape," yaya ni Red sa kaniya. Iniatras pa nito ang isang upuan at isinenyas sa kaniyang maupo. "Salamat. Magbabanyo lang ako saglit," sagot naman niya rito. Bumati siya sa mga kaanak ni Red, at saka tinungo ang banyo. Habang naghihilamos ay nasa isip niya ang tungkol sa kaniyang panaginip. Red was right. Hindi siya makakakilos kung ang emosyon ang pagaganahin niya. He had to move on, because everything around him were moving on already. Kung magpapatuloy siya, hindi naman ibig sabihin niyon ay kalilimutan na niya si Opah. Pero kung mananatili siya sa dilim, sa situwas

