Nag-enjoy ako sa masarap na pagkain. Cairo drove me back to the dorm. May kaunting sakit sa aking dibdid dahil kailangang matapos ang gabi na ito. Tumigil siya sa tapat noon. Hindi agad ako bumaba. “Damn, I would really have to go by for another week without you.” he said. Ngumiti ako at umiling. Ganoon din naman ako. Mahirap dahil mahirap ako sa mga nakasanayan ko. Hindi naman puwede na manatili si Cairo rito sa Maynila dahil sa hotel nila. Napagtanto ko na kailangan lang talaga naming matutunan na magkaroon ng time management. Hindi ko gusto na bitawan ang isa sa mga pangarap ko at kay Cairo. “This is our thing, Cairo. Someday, hindi na natin kailangan pa na maghiwalay. Pagkatapos nito, mas lalo tayo na magiging matatag.” sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. L

