Gusto ko nang mabaliw lalo na at ang magkapatid na Silvejo ang nagdadala ng labis na pag-iisip sa akin. Silang dalawa lang naman ang nagpapahirap sa akin na matulog lalo na kagabi. Padabog ako na bumalik sa function hall at umupo sa table. “Ayos ka lang?” tanong ni Jed sa akin. Huminga ako nang malalim at tumango. “Yup.” simpleng sagot ko at uminom sa juice ko. Hindi gaya kanina, halos lumulutang ako sa usapan namin nina Jed at Jordan. Kaya naman ng bigyan kami ng isang oras bago bumalik sa schedule, nagpaalam ako sa dalawa para makapaglakad-lakad muna ulit sa dalampasigan. Umasim ang pakiramdam ko sa tuwing maiisip na ang solemn na pakiramdam ko noong unang makarating ako sa dalampasigan ay napalitan na ngayon ng kahalayan mula sa kagabing kaganapan. Pinili ko ang malayong s

