Sa mga sumunod na araw sa hotel, palaging busy si Cairo sa mga meeting kaya naman si Edan na ang kumukuha ng mga pagkain. At sa totoo lang, mas maayos iyon para sa akin. For a couple of days, nakahinga ako nang maluwag. Nagkita kami ni Aspen sa resort. Sa restaurant lamang namin ginanap ang food tasting dahil na rin sa kaniyang request. Napakasimple lamang ni Aspen kaya naman naging magaan ang loob ko sa kaniya. “Hmm,” sabi niya at tinakpan ang kaniyang bibig para mas manguya niya nang maayos ang pagkain. Tinaas pa niya ang kaniyang hintuturo at malaki ang kaniyang ngiti. “What’s your comment? That’s Bistecca alla Fiorentina.” sabi ko. Nilunok ni Aspen iyon at nag-thumbs pa. “This is so good! I like it!” aniya. Ngumiti ako. She tried the others. Nakangiti lang ako sa kaniya sa

