Ganoon nga ang ginawa ni Javi. Nakayuko ako at mabilis ang lakad habang siya naman ay nasa likuran, minsan ay may bumabati. Maraming kaibigan si Javier at kakilala sa club na iyon kaya mas lalo ako na nag-ingat. Hangga’t maaari ay iniiwasan ko na may makapansin na magkasama kami. Kunwari ay nag-ce-cellphone ako at tinipa roon ang mensahe para sa kaibigang si Xenny. Ako: Xen, mauna na ‘ko umuwi sa dorm. Sumama ata ang tiyan ko sa alak. Pasabi na lang kina Alena. Ingat kayo pauwi. Pinadala ko iyon sa numero ni Xenny. Hindi rin naman siya nag-reply. Siguro ay busy sa pakikihalubilo roon. Wala naman ako na numero ni Bernice. Hindi ko na rin kasi siya nakita pa. Umuna si Javi at kinain ng malalaki niyang hakbang ang papunta sa SUV niya. He pushed the key fob of his car to unlock the door

