Maaga ako na ginising ni Cairo para sa birthday celebration ni Paris. Nakipagkita kami sa coordinator para i-check ang mga detalye ng magiging party mamayang gabi. Nakahanda na rin ang isusuot ko na dark blue flowing dress. Si Madame Andrea ang bumili noon at sinamahan pa ng silver na stilettos na hindi ko alam kung kaya ko ba suotin iyon dahil sa taas at ganda noon. “I guess that’s it.” sabi ni Cairo. Nagpaalam kami sa coordinator bandang hapon. Sa garden ng function hall gaganapin iyon. Punong puno ng fairy lights ang mga puno na talaga namang sigurado na maganda mamayang gabi. Nag-text si Paris sa akin para sabihin na hindi na siya makapaghintay pa para sa aming pagkikita. I greeted him a happy birthday. Hindi na rin ako makapaghintay na makita niya ang supresa ng kaniyang pamilya

