Inasikaso ko muna sa hospital ang ilang nadamay sa kaunting pagsabog na iyon. Nagpadala naman ng representative mula sa legal department si Cairo. Mabuti na rin iyon na hindi siya ang pumunta dahil una sa lahat, siya ang pinakahuli ko na gustong makita. Naiinis pa rin ako sa sinabi niya kanina. Nag-settle ang abogado niya sa hospital bills at sinabihan ang mga empleyado na babayaran nila ang lahat ng gamot ang mga araw na hindi nila kayang pumasok. Nakahinga naman ako nang maluwag. Mabuti na lang at ganoon ang desisyon ni Cairo sa lahat. I stayed with them the whole day. Hanggang sa maayos lahat. Sa parking lot, lumapit sa akin ang abogado. “Chef Naya, pinapasabi ni Mr. Silvejo na you can rest for today and just report for work tomorrow.” sabi nito. Tumango ako at pinanood ito na

