We really matured. Sa unang buwan naming magkasama na tumitira sa condo unit niya, doon namin nakitang dalawa ang pagkakaiba ng isa’t-isa. Hindi ko akalain na sa loob ng taltlong taon naming dalawa, may mga bagay pa pala ako na hindi alam sa kaniya. I cooked all the time. Batak siya sa tutoring session niya kaya naman gabi na rin siya nakakauwi kaysa sa akin. Mas maganda iyon dahil sa tuwing nauuna siya sa condo, siya ang gumagawa ng mga bagay na para sa akin. “Hmm, ang sarap naman nito.” sabi niya habang tinutusok ang karne. Nakanguso lang ako habang pinapanood siya na kumain. Natapos na ako mag-dinner kanina dahil birthday party ni coach. Kumain kami sa isang restaurant sa BGC. Na-guilty naman ako kaya binili ko siya ng pagkain at nag-take out doon. Ngumiti ako.

