Hinatid ako ni Cairo na parang walang nangyari sa amin. Tulala at tahimik ako sa buong biyahe. Hindi ko kaya magsalita dahil sa tuwing susubukan ko na itanong kung ano ang nangyari, naalala ko ang paggalaw ng kaniyang labi sa akin. Tumigil ang sasakyan ni Cairo sa harapan ng bahay namin. Huminga ako nang malalim at kinalas ang seatbelt. Tumikhim ako. Tumingin sa akin si Cairo. “Bababa na ako.” sabi ko at mabilis na kinalas ang seatbelt na suot ko. Nakita ko ang munting paggalaw sa kurtina ng aming bahay, nangangahulugan na nakita ni Kuya o kaya ni Mama ang pagdating namin. Mas lalo ako’ng kinabahan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, malalaman ni Mama na naghalikan kami ni Cairo kanina sa pamamagitan lang ng pagtingin niya. Bumukas ang pintuan ng bahay. Nakangiti si Mama sa direks

