“That’s too absurd, Paris. We are just friends,” sabi ko. Kinagat ko ang aking labi at kinakabahan na tumawa sa sinabi ni Paris. Huminga ako nang malalim at uminom sa aking tubig dahil bigla ako napapunta sa hot seat. Napawi ang ngisi ni Aspen. Pumalakpak naman si Madame Andrea para ibahin ang usapan. “Son, let’s not put pressure on Naya.” sabi ni Madame at ngumiti sa akin, “If this Javier really likes her, he will go after Naya.” Cairo resumed eating his food. Si Laura naman, pabalik balik ang tingin sa akin at kay Paris pero hindi na ako muling nag-angat ng tingin sa kanila. I felt awkward na ang love life ko na ang nagiging topic ng mga Silvejo. Nagpapasalamat din na iniba na ni Madame Andrea ang usapan. She talked about some minor reorganization within hotel. Natapos ang dinne

