Sa bawat araw na dumadaan, mas lalong humihirap ang mga pinagdadaanan namin. Alam ko rin na sobra sobra na siyang nahihirapan. Hindi sinasabi ni Cairo iyon. Ayaw niya aminin kahit na halata naman iyon para hindi ako mag-alala. Lagi ako na wala sa focus. Halos bumagsak ako sa final subject ko dahil nasunog ang niluluto ko na dish. Nagmamadaling lumapit sa akin si Shira dahil sa pagtunog ng fire detector. Nagising ako at agad na inangat iyon. Napatingin ang chef na professor namin. Mabilis siyang pumunta sa amin. Sunog na sunog ang mga ingredient ko. “Ano ang nangyayari sa iyo, Palma?” tanong nito. Kinagat ko ang labi ko at mabilis na nilagay sa isang plastic ang sunog na ingredients ng dish na imposible ko na ata maisalba. “Pasensya na po, chef.” paghingi ko ng paumanhin sa matanda

