Javier did not bother to come near me the next day. Hindi ko naman pinahalata iyon sa mga kaibigan namin. Hindi rin naman naging mahirap iyon dahil busy siya sa kaniyang mga laro. We reached the finals of this summer tournament. Kumaway ako sa mga fan na naghihiyawan ng tawagin ang pangalan ko. Tumawa ako habang kumukha sila ng litrato. As usual, Cairo and Edan were watching. Akala ko ba busy ang isang ito at loaded ang kaniyang schedule? Bakit naririto siya at nanonood ng laro ko? Hindi ko na siya pinansin pa at tumayo na sa gitna. Alena talked to me about our game at nakinig ako sa game play na nais niya. Ngumiti ako sa mga kalaban namin at magalang na binati ang mga ito. We were good friends kahit pa magkakaiba kami ng eskuwelahan noon. Isa pa, this is a friendly game only. Hindi ka

