Ganoon nga ang ginawa ni Cairo. Naglista siya ng mga pagkain na gusto niya at pinadala iyon ng kaniyang secretary na si Edan sa akin. Binasa ko naman iyon para sa lunch time. Halos matawa ako dahil umabot iyon ng twenty pages at talagang napaka-specific. ‘Akala mo naman, hindi kumakain ng isaw noon!’ puna ko sa aking isipan. Lumakad ako sa pantry at kinuha ang mga ingredient para sa isang Italian dish na nasa listahan niya. Hinugasan ko ang aking kamay at nag-umpisa na magluto noon. Natapos ako after half an hour. Nilagay ko na iyon sa cart. Pinapanood ako ni Shira na nakangisi at mukhang na-e-entertain sa ginagawa ko. “Mukhang type ka ni Mr. Silvejo, ah?” tanong niya habang kumakain ng apple. Umirap ako at nilagyan ng takip ang mga dish bago iyon ilagay sa cart. “Ito ang nakuha k

