Sabay kami na pumasok ni Wilmet kinabukasan. Umpisa na ng semifinals. Panay ang silip ko sa aking cellphone, dahil wala pa ring messages o chat man lamang si Cairo sa akin simula ng ihatid niya ako kahapon sa bahay. Ano kaya ang nangyari? Nagkausap ba sila nina Madame at Senyor? Mabilis ako na lumapit sa kararating lang sa parking na si Paris. Malakas niyang sinara ang pintuan, hindi ako nakikita pa. “Paris,” tawag ko sa kaniya. Nilingon niya ako. Nagulat ako ng makita ko ang hitsura niya. May mga nakatapal na band-aid sa kaniyang mukha. Mariin ang mga panga niya nang tumingin sa akin. “Ano ang nangyari sa iyo? Bakit may mga sugat ang mukha mo?” tanong ko. Mukhang sariwa pa ang mga sugat niya. Nakipagsuntukan ba siya noong birthday niya? O ‘di kaya… “None of your biz,” sagot

