Pinagtitinginan si Cairo noong dumating siya sa subdivision. Tahimik lang siya na bumaba at sinalubong kami ni Mama. “Mabuti naman at napaunlakan mo kami ngayon, Cal?” tanong ni Mama. Ngumiti si Cairo kay Mama at tumango. “Pasensiya na kayo, Tita Nancy. I was busy with my family and the hotel,” sagot niya. Siniko ako ni Kuya Nial at ngumisi sa akin na nang-aasar. Umirap ako. “Ganoon ba? Nakapagluto na ako ng hapunan. Kumain na ba kayo?” tanong ni Mama. Ngumuso ako. Hindi ko maintindihan sino ba ang anak sa amin ni Mama? Mukhang masiyado siyang masaya na nandidito si Cairo. Tumawa si Kuya. “Hindi pa nga po.” tumatawang sagot ni Cairo. Naglakad si Mama papunta sa pintuan. “Pumasok ka, hijo. Nagluto ako ng caldereta. Hindi ba paborito mo iyon noong bata ka pa?” tanong ni

