“Ikaw? Ano ang ginagawa mo rito, Paris? May laro pa tayo bukas, ah! Hindi ka ba napagod?” tanong ko kay Paris. Kumunot ang noo niya sa tanong ko. “Dinala ko ang naiwan mo na bag kay Wilmet.” sagot niya. Tumango ako. Hindi pa rin ako bumababa sa sasakyan. Nilingon ko sina Cairo at Kuya na nanonood sa amin. Cairo was obviously annoyed. May kumalabog sa dibdib ko. “Sinabi ni Wilmet na umalis ka kasama ni Tita. Pero sabi ni Tita, she’s been here the whole day?” tanong niya. Halata sa boses niya na nang-uusisa sa akin. Huminga ako nang malalim. Hindi ko pa rin maiwasan na maging guilty. “Uh... may emergency kasi? I sprained my ankle, Paris.” sabi ko at tiningnan ang paa ko. Sumunod ng tingin si Paris doon. Nag-aalala ang kaniyang mukha sa akin. "What?" tanong niya, halata na an

