Chapter 25:
Kelly's POV
10:09 AM
Sumakay na ako sa private helicopter para mauna na sa lugar kung saan mangyayari ang event. Kailangan naming mauna kanila Boss para masigurado ang kanilang siguridad kasama ang kanyang anak na si Miss Twilight.
Ilang oras ang nakalipas at nakarating na rin ako sa may lugar. Pagkababa ko sa helicopter nakita ko si Athan na kumaway habang nasa loob sasakyan. Nauna siya sa akin ng isang araw dahil nasa kanya ang blueprint ng event at may kailangan pa siyang gawin. Para siguraduhin na walang mangyayaring pagsabog o ikakapahamak ng Boss namin.
"Kumusta?" tanong ko sa kanya ng makasakay ako sa sasakyan.
"Ayos naman" napatingin ako sa kanya.
"Ang sarap mo talagang kausap no?"
"Thank you. Anong lasa?" Pinakita niya pa talaga sa akin ang nakakainis niyang ngisi ha?. Nang aasar talaga 'tong babaeng 'to.
"Hoy! Babae, tinatanong kaya ni Boss kung ano nangyayari na dito"
"Ayos na ang lahat. Don'tcha worry" inayos niya pa ang buhok niya.
"Babae kana talaga no?" singit ko sa mata ko habang nakatingin sa kanya.
"Manahimik ka na nga lang!" Tingin niya sa may bintana. Hmm!.
* * * * * *
Athan's POV
"Ito naman, masaya lang ako kasi narealize mo na babae ka talaga"
"Tumigil kana nga Kelly!" sigaw ko sa kanya. Tumunog naman yung cellphone ko.
"Hello!" niloud speak ko dahil alam kong nakikinig si Kelly.
"Miss Athan, may nanghack po sa blueprint na ginawa ninyo. Na pinapabantayan nyo po sa akin" nagkatinginan kami ni Kelly. Why did that happen? I made sure, it was secure.
"Ano!?. Papunta na kami dyan, gumawa ka ng paraan para maayos mo kung hindi--"
"Yes, Miss--" Pinatay ko na agad siya ng cellphone. Pinag-isipan ko ang mga plano tapos maha-hack lang ng ganun-ganun.
"Relax ka lang magagawan natin yan ng paraan"
"Sana!" Kung hindi baka may mga ibang bomba pa ang kinakabit sa mga oras na 'to.
~~~
Pagkarating namin sa hotel malapit sa location ng party, agad kaming sumakay ng elevator. Pagkapasok namin sa may hotel room namin. Nakita ko na na-hack nga ang ginawa ko dahil wala na ang blueprint sa mga monitor. At kung anu-anong imahe na lang ang nakikita ko. What the f**k!
"Miss Athan nakatulog--"
"Lumabas ka nalang! I hate your f*****g face!" Umupo na ako at nagtips sa keyboard para gumawa ng paraan. Walang kwentang pagbabantay kung tutulungan rin naman pala. That jerk!.
"Tulungan na kita, wag mainit ang ulo" lapit ni Kelly sa akin.
"Malapit nang dumating sila Boss, what if--" Ayokong madisappointed sila sa akin lalo na't kasama pa nila ang Young lady, nakakahiya kung malaman niyang nagkamali na naman ako.
"Shut up! Okey! Tignan mo na lang ito" nakangiting sabi ni Kelly. Napatingin ako sa screen na unti-unti nang bumabalik ang lahat sa dati.
"Chilax ka lang kasi, girl. Masyado kang nega eh!. Madali lang maalis ang security ng naghack. Mahina" Hawak niya sa balikat ko. Nakahinga na ako nang maluwag sa nangyari buti nalang nadito si Kelly. Kahit alam kong, hindi na siya ang partner ko sa lahat ng mga mission ko.
* * * * * *
Someone's POV
"Kayabangan mo kasing nakahack mo na eh! Tignan mo nawala na naman!. Masyadong weak ang security mo kaya nakuha agad nila. Yung bomba na naka-set up mukha nakita na rin nila!" Hampas ko sa siraulong pabayang katabi ko.
"Nagkape--" Sasagot pa talaga ang siraulo. "Kung ibuhos ko kaya yang kape mo sa mukha mo! Sasagot pa eh!" batok ko sa kanya. "Samahan mo nga ako, puntahan natin yung lintik na naghack ng lintik na mga bomba." may dalawang batay akong inutusan para bantayan ang mga mangyayari.
Naglakad na ako palabas ng kwarto sa hotel na malapit sa party na gaganapin mamaya. Alam kong malapit lang dito ang mga gumawa nang panghahack dahil maraming pwedeng gumawa nang ganun. Sino kaya sila at anong grupo nila?.
Nakita ko ang isang lalaki na kakamot-kamot sa labas nang pinto. "PPumasok ka sa loob" utos ko.
"Mga tauhan yata nila yun--" hindi ko na narinig yung sinasabi ng katabi ko dahil may lumabas na isang babae sa loob. She's so damn awesome.
"Miss Athan"
"Pumasok ka na doon sa loob para kang tanga diyan!" pasusunget niya. Athan pala ang pangalan niya. Tumingin siya sa akin.
"Ano papasukin ba natin?" mahinang siko sa akin.
"No! Baka nagbabakasyon lang ang mga yan"
"Bakasyon ha? Private place kaya to!"
"Bumalik ka na nga lang doon!" Naglakad na ako pasunod sa babae at hahawakan ko na sana siya sa braso.
"Tanga-tanga! Magbabantay na lang hindi pa nagawa! Buti na lang nagawan ng paraan ang paghahack" paghahack? Ibig bang sabihin--?.
"O? susunod ka pa?" lingon niya at may nilabas na baril na tinutok sa akin. "Hindi mo ako nakikilala tama?" tingin niya akin.
"Kayo ang naghack--" may tumama sa binti ko.
"Alam ko kayo ang nag-hack sa ginawa ko!" hindi niya pagpapatapos sa sasabihin ko. Binaril niya ako sa may tagiliran at may nalasahan akong dugo. "Iligpit niyo na sya" rinig kong utos niya. Nang maramdaman ko ang isa pang tama ng baril sa ulo ko. Unti-unting naramdaman ko ang paghabol ko sa aking hininga.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
Bumaba na kami sa private plane habang inaalalayan ako ni Tatay sa pagbaba. Pagkababa namin ay sumakay agad kami sa may sasakyan at bumiyahe na papunta sa event kung saan maaari kong makita ang mga mafia boss tulad ni Tatay.
"Nakaayos na po ang lahat, Boss" sabi nang lalaki.
"Good to hear that" nagsinyas si Tatay na paandarin na ang sasakyan. Apat na sasakyan ang nakasunod sa amin at apat naman ang nasa unahan. Marami talagang tauhan si Tatay akala ko noon, yung mga tao lang na nakita ko sa may secret house marami pa palang iba.
~~~
Huminto ang sasakyan naming sa malaking pintuan at nauna nang lumabas sila Jacob at Zhynly habang may mga nakapalibot na sa aming mga tauhan ni Tatay sa labas.
"Let's go" labas ni Tatay kaya lumabas na rin ako, napatingin ako sa wrist watch ko at eight na pala nang gabi. "Be prepared for what may happen, my daughter" sabi niya kasabay ng pagbukas malaking pinto. Tumango lang ako habang nakatingin pa rin nang seryoso sa unahan.
Naglakad na kami sa malaking hallway na mayroong malalaking pinto sa gilid at naglalakihang chandelier sa taas na kulay gold. Halatang mayayaman ang dadalo sa event dahil chandelier pa lang sa hallway ay halatang mamahalin. Nakasunod lang sa amin sila Jacob at Zhynly at ilang tauhan ni Tatay.
Nang makarating kami sa dulong pinto, narinig ko ang pagbanggit sa pangalan ni Tatay at ng Darklight. Bumukas ang pinto at may mga taong nagpalakpakan. Nakita ko ang mga eleganteng suot ng mga tao sa loob. Naglakad na kami papasok at naupo sa pwesto namin.
"Cruz, Jones take care of my daughter, do not let her alone"
"Yes, Boss" sabay nilang dalawa.
"My daughter" he looked at me. I knew what he meant. He kissed my forehead. "Take care" tumango lang ako sa kanya. Lumayo siya sa akin para makipag-usap sa kung sino.
Nagplano na kami ni Tatay, ako ang bahala sa sarili ko sa tulong nila Zhynly at Jacob at siya ang bahala sa leader ng Harwell para pagbayaran ito sa ginawa nito kay Nanay. Pero hindi ako nangako sa kanya na wala akong gagawin sa tauhan ni Harwell o kay Alvert Harwell kung magkita man kami. Dahil gusto kong gumati sa ginawa nila kay Nanay.
"Young lady, saan po kayo pupunta?" habol sa akin ni Jacob.
"Comfort room" I replied while walking fast.
"Sasama ko na po kayo" napahinto ako sa sinabi ni Zhynly at tinignan ko lang siya.
"Okey!" sabi ko na lang.
Pagkapasok namin ni Zhynly sa loob ng ladies room pumasok agad si Zhynly sa isang cubicle. Lalabas na sana ako na may pumasok na dalawang babae kaya napabalik ang tingin ko sa salamin. Napansin ko an tinignan nila akong dalawa, ngumiti ako kahit hindi ko naman talaga ginagawa 'yun sa ibang tao. Ngumiti rin sila sa akin at napansin ko na pumunta ang isang babae sa isang side ko kaya nasa gitna nila akong dalawa.
Mabilis kong napansin ang pagkuha ng babae nasa kaliwa ko ng baril at agad niyang itinusok sa tagiliran ko. "Sumama ka sa amin"
"What if I don't?" Nagkatinginan silang dalawa at tumingin sa akin kasabay ng pangisi nila at para nila akong minamaliit.
"Dito ka mamatay" bulong ng nasa kanan ko.
"Really?" mabili kong naluha ang baril ng babae na nasa kaliwa ko at kinuha ko naman ang baril na nasa secret packet ng babaeng nasa kanan ko. Dapat kukuwain niya palang pero nakita ko na ang galawan niya. Sa isang saglit lang, sila nang dalawa ang tinututukan ko ng baril na pagmamay-ari nila. "who commanded you?"
"Damn you b***h! maraming nagtataka sa mga buhay mo, hindi mo ba alam?" ngisi pa niya.
"Young Lady!" tawag ni Zhynly sa akin. Tinapunan ko lang siya ng tingin at tumingin na ulit sa dalawa gamit ang repleksyon ng salamin sa harap ko.
"Sasabihin nyo ba o dito kayo mismo mawawalan ng buhay" diin ko sa magkabilang baril sa ulo nila.
Tinutok na rin ni Zhynly ang hawak niyang baril sa isang babae. "Merrick/Harwell" sagot nilang dalawa.
"Pinagloloko ninyo ba akong dalawa?" tinignan ko sila ng masama habang nakadiin ang mga baril nila sa ulo.
Namumutla ang mga mukha nila na halatang takot silang mamatay sa mga oras na yun at ayokong ubusin ang oras ko sa kanilang dalawa. Mabilis akong umikot sa isang babae at sinakal siya hanggang sa mawalan siya ng malay. Hindi nagalaw ang isang kasama niya dahil nakatutok sa kanya ang baril ni Zhynly. Lumapit ako sa isa pa at ganun rin ang ginawa ko sa kanya. Hanggang parehas na silang na walang malay.
Tinanggal ko muna ang mga bala ng baril nila bago ko nilapag ang mga baril nila. "Let's go" abot ko kay Zhynly ng lagyanan ng bala at lumabas na ako.
Pagkalabas namin ng Ladies room, nanglakad na ako ng normal na parang walang nangyari kanina sa loob. "Wala ka bang balak na kuhain sila?" tanong Zhynly sa akin.
"Wala, tulad ng sabi nila marami ang nagtatangka sa amin. Dapat lang na malaman nila na hindi ako basta-basta" tingin ko sa kanya.
Pagbalik namin sa bulwagan marami nang mga tao, hindi ko inaasahan na ganito kami tao ang dadalo. Mas lalo akong kinabahan dahil maaaring maraming mapahamak kung meron mang pina-plano si Harwell sa pagtitipon na ito.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, nakita ang mga taong nagkwekwentuhan at mukhang nagpapabida nang mga gamit nilang hawak. Makikita naman na nagpaplastikan lang sila at nagyayabangan sa isa't-isa.
Hindi ko akalain na magagawa ko ang mga ginawa ko sa comfort room at hindi ko sila pinatay gaya ng inaasahan ko. Magagawa ko rin uli kaya yun?. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang pumatay pero gusto kong gumanti kay Harwell dahil sa ginawa niya.
Pero sino na naman si Merrick? Kalaban rin ba sila? 'Ano ka ba Twilight, lahat ng tao dito handang pumatay.' Nakasunod pa rin sa akin si Zhynly ng bigla niya akong hawakan sa kamay ko.
"Nagiginig ka" sabi niya.
"I'm fine" I took her hand away from my hand. Nakita ko ang pagkagulat niya pero naglakad ako. Napakunot ano noo ko ng may makita akong pamilyar na mukha na agad naman nawala sa paningin ko. Napailing na lang ako nang maisip ko na naman si Hollis ang nakita ko.
'Hindi naman totoo na mafia prince siya, Twilight. May girlfriend siya ibig sabihin may normal siyang buhay. Hindi katulad mo.'
"Ang tagal nyo naman" lapit ni Jacob sa akin.
"Who is Merrick, Cruz?" I looked at his eyes. Gusto kong malaman kung marami ba talagang nagtatangka sa buhay ko. Sa buhay namin..
"I'm sorry, Young Lady. Hindi kita masasagot" I sighed.
"Okey, then. Don't follow me!" Naglakad na lang ako nang mabilis para hindi nila ako masundan.
May mga nakakabanga ako pero hindi ko sila pinapansin, kung babarilin man nila ako, pake ko! Naiinis ako sa mga tao sa paligid ko. Bakit ayaw nilang sabihin sa akin ang totoo?. Nakakainis!.
* * * * * *
Pippa Zhynly's POV
Nakatingin lang ako sa paglayo ni Twilight. Nagbago na siya simula nang makapasok kami dito sa loob. Alam ko naman na gustong-gusto niyang makita si Harwell para gumanti. Nakita ko ang patago niyang pagkuha ng impormasyon tungkol sa Harwell. Hindi niya alam na pwede siyang ikamatay ang ginawa niyang yun.
"Ayos ka lang ba, Pippa?" tingin ni Jacob sa akin.
Tumango ako. "Oo, sundan na natin si Twi-- Young Lady"
"Wag kang mag-alala sa kanya, alam kong babalik rin siya sa pagiging Twilight niya" ngiti niya. Tumango lang ako at naglakad kaming dalawa para sundan si Twilight. Alam ko naman yun, pero kinakain na yata siya nang galit niya sa Harwell.
* * * * * *
Amber Ice's POV
Nasa balcony lang ako habang nakatingin sa mga tao sa baba. May mga taong nagkwe-kwentuhan at may ilang magkakaibang grupo na nag-uusap. They enjoy what is happening. Would they still enjoy it if they knew there were hidden bombs around? Stupid people!
"Miss Ai, may hinahanap ka ba? Bakit ka nandito?"
"Gosh! Rexie, mang-gulat ba?" tingin ko sa kanya. "I'm here because I just want to see people downstairs. Nasaan nga pala sila Cloude?"
"Ayun si Mike" turo niya malapit sa may malaking pintuan. "Ayun naman sila Bossing" turo niya kay Dad na kasama si Mom at iba pang mga tauhan. "Sila Travis at Gray, naghahanap ng bomba magpapakamatay na yata" biro niya.
"Not funny" tingin ko sa kanya. Pero nakatingin siya sa may baba. Si Cloude ang hinahanap ko.
"Teka?! Si Miss Twilight ba yun?" turo niya sa may baba. She's here? Sinama rin siya ng parents niya dito? .
"Nasaan?" hanap ko para alamin kung totoo ba ang nakita ni Rexie.
"Ayun oh!. Bakit siya nandito?" Nakita ko si Twilight na tumatakbo.
"Kasi siya lang naman ang nag-iisang anak ng leader ng Darklight"
"Talaga?! Wow! Ang astig naman, pero alam na ba ni Cloude?"
"Nope, hayaan mo siya!. Alam naman natin kailangan niyang matutong mauna sa lahat ng bagay, dahil hindi naman ako ang magpapatuloy ng Hollis group. Kung hindi siya"
"Ang lalim" tingin niya sa akin. Kinindatan ko si Rexie at napakamot lang naman sa noo niya.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
"Damn it!" sabi nang nakabangga ko but I ignored him. Kaya naglakad na lang uli ako palagpas sa nakabangga ko. Alam ko naman na pababayaan niya ako tulad ng iba nakabangga ko.
"Wait!" hawak niya sa braso ko kaya napabalik ako ng tingin at napatingin sa humila sa akin.
"Smith!/Hollis!" Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Hollis sa harapan ko.
"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin. Ibig bang sabihin totoo na isa siyang Mafia? Isang Mafia Prince?.
Biglang dumilim ang paligid at may kumapit sa bewang ko. Alam ko na si Hollis yun dahil siya lang naman ang malapit sa akin. "Come with me" sabi niya. Naglakad siya kaya napalakad na rin ako kahit wala akong makita. Bumilis ang t***k ng puso ko at hindi ko alam kung dahil ba sa takot dahil nangyayari o nakita ko ulit si Hollis?.
"Young Lady!" narinig ko ang boses ni Zhynly pero hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam kong may mangyayaring masama dito. 'Bakit parang nanghihina ako? Paano na ang lahat ng tinuro sa akin ni Tatay? kung sasama lang pala ako kay Hollis!.
Bumukas ang ilaw at nakita kong nasa tapat na kami ng pinto kaya napahinto ako. Nakarinig kami ng putukan kays hinanap ko si Tatay at nakita ko naman siya. Nakatingin siya sa akin pero bigla akong hinila ni Hollis palabas.
"Bitiwan mo ako!" tanggal ko sa pagkakahawak niya sa bewang ko.
"Delikado, Smith" hawak niya sa kamay ko.
"Oo, alam ko!. Kaya bitiwan mo ako, kailangan nila ako sa loob" mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.
"No!" madiin na pagkakasasabi nya kaya napatingin lang ako sa mga mata niya. Nakita sa mga mata niya na hindi niya ako hahayaang umalis.
"Bitiwan mo nga sabi ako!" hinila ko sa kamay ko.
Nang bigla niyang tinapat sa akin ang dulo nang baril niya na mayroong silencer. 'Ano papatayin niya ako?.' Kinuha ko ang baril ko sa secret packet. Pero bakit hinayaan niya ako kuwain ang baril?. Tinutok ko sa kanya ang baril na hawak ko na mayroon silencer.
Nang makita ko ang apat na lalaki sa likuran niya. Apat na kalabit sa gatilyo ang sunod-sunod na ginawa ko habang nakapikit. Pero higit sa apat ang narinig kong mahinang putok.
"Thank you for saving me. Follow me." napadilat ako sa narinig ko. Hinawakan niya uli ako sa may bewang ko. 'Kanina pa siya ha!.'
"Bitiwan mo nga sabi ako eh!, kailangan kong bumalik doon" turo ko pabalik sa loob.
"Tss!" Binitiwan niya naman ako, kaya tumakbo na ako pabalik. Ramdam ko na nakasunod pa rin siya sa akin.
"Don't follow me! Do what you want to do!"
"I want to protect you. That's all I want to do now." Nakakakilig sana eh! 'Sinabi ko bang nakakakilig?'
"Tss! Paasa ka!" bulong ko.
"What?" hinto niya sa pagsunod sa akin.
"Bahala ka! sabi ko" tumakbo na uli ako. Nakita ko ang limang lalaki na nakahiga at duguan ang mga ulo nang mga ito. Siya ba ang gumawa nun kanina?' Nakita ko ang isang lalaki na papalapit sa amin kaya agad kong tinutok yung baril sa lalaki. "Mike?"
"Miss Twilight?!" nagulat siya nang makita ako. Tss! Mga tauhan rin ba sila nang mafia? Sa Harwell ba? Nakakainis naman!. Marami pa pala talaga akong kailangan malaman sana tinanong ko na lang lahat kay Tatay!.
Tumakbo uli ako at nilagpasan ko nalang si Mike. Pagkalagpas ko lumingon ako sa kanila dalawa. "Wag nyo akong susundan! Kaya ko ang sarili ko" tignan ko sila nang masama at tumakbo na uli ako papasok sa loob.
* * * * * *
.
#25
A/N: Sorry sa typos! Thanks for reading! Please, comment and follow me! Thank you ^^*
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===Elainah M.E===