Chapter 7:
Pippa Zhynly's POV
Ipapark ko na sana ang sasakyan ko sa parking lot ng school ng may biglang sumingit kung saan ako magpa-park. Lumabas ang isang lalaki at naglakad palayo.
"That Jerk!" Nainis ako dahil sa ginawa. Sino ba namang himfi maiinis!.
Huminga na lang ako ng malalim at naghanap na lang ng iba. Wala na rin naman akong magagawa. Nang makapag-park na ako, bumaba na ako sa sasakyan ko. Malayo lang sa building ng mga rooms ang napuntahan ko, pero ayos na rin dahil meron pa rin kahit paano. I rolled my eyes ng makita ko si Autumn, ang pinaka-plastic na kilala ko sa school.
"Ow! Hi! Pippa Zhynly.." Ngumiti sya sa akin at nag-wave pa ng right hand nya. 'Feeling close!' Tinaasan ko siya ng kilay at naglakad na ako palagpas sa kanya. Gusto nya akong maging kaibigan, pero sorry sya dahil ayokong maging kaibigan ang tulad nya!.
"By the way, how's your cousin, Twilight Sky?" napalingon ako at tumingin kanya. Tumingin ako mula ulo hanggang paa nya. Hinahanap ko kung nasaan ang mukha nya. 'Just kidding!.'
"What do you think?"
"I think, hindi pa sya makakapasok hanggang ngayon, because of the accident. Kung wala kang kasama mamaya, pwede kang maki-join sa amin ng mga friends ko"
"Accident? Really?. Or plan mo sa manya?" tinignan ko siya ng masama. "Pasalamat ka wala ako doon, dahil kung nandoon ako, ako mismo ang maghuhulog sa'yo. Yung hindi kana makakahinga? You know!" ngumiti ako sa kanya ng pang-aasar. "I don't want your invitation, ayokong maging ikaw!" tingin ko sa kanya mula ulo hanggang paa. Nakita ko kung paano siyang manliit sa sarili nya. Hindi ko naman kasalanan 'yun, sya ang lumapit sa akin.
Naglalakad ako papunta sa room habang nakatingin ako sa cellphone. "Hey!" Napahinto ako sa paglalakad nang may makita akong nakaharang sa dadaanan ko. Napatingin ako sa kanya, habang nakataas ang kilay ko. 'Nice Fashion style.'
Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Maraming mga student na naglalakad sa gilid namin. "Who are you?" walang ganang tanong ko. 'Para tanga naman kasi, makangiti sya ng wagas.'
"I'm Kelly Ann, your sister. Salamat at nagkita na tayo" nang bigla syang lumapit sa akin at papayakap pa sa akin.
"Excuse me?" layo ko sa kanya. "I am the only child of my parents, so? kung matalino ka you know what i mean, na wala akong kapatid?" paliwanag ko sa kanya.
"Oh! ganyan ka ba sa kapatid mo?" nakangiting sabi. 'Nakakainis!. Ilan pa ba ang sisira sa umaga ko?!'
"Excuse me?! Naintindihan naman mo ko right? Wala akong kapatid. So-"
"Hehe. Yup!. kakasabi mo lang, right? and I heard that. I'm your sister s***h partner. Welcome to Darklight!" mahinang sabi niya at ngumiti.
"oh my!" nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "Really?"
"Yeah!... kahit may kunting sabit ka, pero pumasa ka"
"Wow! Thank you." napayakap ako sa kanya. "Okey. mag-sister na tayo"
"I have to go. Bye!" umalis na sya at agad nawala sa paningin ko.
"Omygosh!..." Excited na ako sa future mission ko at hindi mawala ang ngiti sa labi ko.
"Pinsan ni Twilight!" Lapit sa akin ng kaibigan ni Twilight.
"What?!" kunot noo tanong ko sa kanya.
"Highblood?"
"Of course not. What can I do for you, Mister?" nakangiting tanong ko. Good vibes ang araw ko, at lucky siya na nginitian ko sya. Kaibigan naman sya ni Cous.
"Ah! eh!?- N---Nasa n-na si Twilight, tine-text ko kasi sya hindi sumasagot. Papasok ba sya?" tanong nya.
"Yup. papasok sya" tipid na sagot ko.
"Ganun ba?"
"Yeah! Okey. then bye!" paalam ko sa kanya. Kumaway naman siya at ngumiti. Kaya ngumiti rin ako at naglakad na papunta sa room.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
Nakatingin na ako sa building na school namin habang nakatingin sa may bintana. Binuksan na ni Tatay ang pinto na nasa side ko.
"Are you sure, you'll be fine?" tanong nya sa akin.
"Yes. Tatay, ayos na ako"
"All right, pumasok kana at baka malate ka pa" hinalikan nya ako sa noo.
"Sige po. Tatay ingat rin po kayo" kaway ko. Tumango sya.
Alam kong papasukan muna niya ako sa school bago siya aalis. Paika-ika akong naglakad dahil medyo masakit pa ang hita ko dahil sa pagkabagsak ko kahapon.
"Twilight" napahinto ako sa paglalakad nang may huminto sa harapan ko. 'Yung tatlong gossip girls na blockmates namin ni Pippa Zhynly.
"Oh! problema nyo tatlo?" tingin ko sa kanila.
"Boyfriend mo ba yun?" turo nila sa likuran ko. Kaya napalingon ako.
"Sino?"
"Yung nakahoodie?" Lapit nila sa mukha ko. Parang sinisigurado nila kung nakikita ko ang tinuturo nila.
"Si Tatay?" tingin ko sa kanila.
"Endearment nyo?"
"Ha?" gulat na tanong ko nang mapansin ko yung isa sa Alipores ni Autumn na agad na tumakbo. "N-No. He's my father" tingin ko kay Tatay na nakakunot ang noo.
"Ang gwapo naman ng tatay mo, pwede bang um-apply na step-mom mo?" sabi ng leader nila.
"Itanong nyo sa Nanay ko" lingon ko sa kanya.
"Tatay alis ka na po. Okey na ako!" sigaw ko at tumango naman siya at sumakay na sa sasakyan niya.
"Ang hot nang Dad mo"
"Naku! ewan ko sa inyo. Mauna na ako"
"No. sabay-sabay na tayo, tutal naman magka-klase tayo" sabi niya.
"Bahala kayo" sabi ko at naglakad na.
Ang totoo hindi ko sila kilala sa pangalan but tawag ko sa kanila ay gossip girls. Natutuwa ako sa kanila kasi todo chismis at cool rin sila. Minsan?.
"Twilight, where's my boyfriend?" bungad sa akin ni Autumn.
"Ha? sandali" kinapa ko ang bulsa ng palda ko.
"Wala eh. nakawala na yata." sabi ko.
"Sabagay, mas gusto mo na ang matandang mayaman, right?!" sabi niya pa.
"I think, sinabi na ng alipores nya ang nakita namin kanina" singit ni Gossip leader.
"Oh! That's true pala?" nakangiting tanong ni Autumn.
"No.Hindi yun totoo" I said.
"Anong ang totoo?" She asked.
"Ewan ko!" kibit balikat ko at naglakad na ako sa gilid niya, habang nasa unahan ko ang gossip girls. Hindi ko naman kailangan ipaliwanag ang sarili ko sa kanila.
"Wag mo ako. Tinatalikuran!" sabi Autumn at agad akong nakaramdam ng paghila sa buhok kaya napahawak ako sa buhok ko, muntikan na akong mapahiga buti na lang may sumalo sa akin.
"Ohmygosh! his cute!" sabay na sabi ng gossip girls. Napatayo ako nang maayos, at humarap kay Autumn.
"Maka sambunot ka naman! wala ka bang buhok?" ayos ko sa damit ko. "Tanga ka ba? dumaan ako sa gilid mo hindi kita tinalikuran. Not thinking!"
Napatingin ako sa taong nasa gilid ko, na sumalo sa akin pero nakatalikod sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nya dahil agad namang naglakad na paalis.
"Meron kang boyfriend na matanda, siguro dun mo kinukuha ang lahat ng mga gamit mo. Tapos nagyayabang ka pa sa amin" taas kilay nya habang nakangiti.
"Bago ka magsalita, siguraduhin mo kung tama ang nakukuha mo impormasyon okey?" naglakad na uli ako. "By the way," lingon ko. "Si Tatay ang naghatid sa akin, my father. At wala akong pinagyayabang na kahit ano! Hindi ako katulad mo" ngisi ko at naglakad na paalis. Hindi ko na rin, nakasabay ang tatlo dahil nawala silang bigla.
~~~
Pagpasok ko sa room, sumalubong sa akin si Zhynly. "Omy! Ayan ba ang ginawa sa'yo ng Autumn na yun. Mas maganda na tuloy ako sa'yo" sabi niya. Napailing na lang ako.
"Twilight Sky! Omy! hottie ang superhero mo" sabay-sabay nilang tatlo.
"Superhero?" tanong namin ni Pippa Zhynly.
"Yung sumalo sa'yo! Sinundan kasi namin pero bigla rin nawala" sabay-sabay nila.
"Yung totoo, magkakambal ba kayo tatlo? sabay-sabay talaga?" tanong ko.
"Friends lang kami." sagot pa nila.
"Okey?. So? may sumalo pala sa pinsan ko? ano bang nangyari?" Naupo kami sa may upuan at umalis na yung tatlo.
~~~
Pagkatapos ko magkwento kay Pippa Zhynly ay inabutan niya ako ng suklay. "Humanda sa akin yung Autumn na yun" sabi nya.
"Asan na ba yung prof natin?" tingin ko sa paligid.
"May inaasikaso pa" sagot ng blockmate namin.
"By the way, cous hinahanap ka nga pala ni-- i don't know what his name, basta yung friend mo bukod kay Homer"
"Si Jacob. wait! titignan ko lang baka may text sya" kinuha ko yung phone ko at may messages.
:Jacob
-Twie, papasok ka ba?
-Nakita ko yung pinsan mo. Papasok ka daw. Text me.
-Nakipag-away ka kay Autumn?
To:Jacob
Nandito na ako sa room, kita na lang tayo mamaya. K?
Sent.
:Homer
-Nandito na ako sa labas nang bahay nyo. Twilight?! where are you?.
To:Homer
-I'm here na sa room.
:Unknown
-I found you Twilight Sky.
To:Unknown
Hu u?
Sent
:Unknown
I'm mafia prince. Are you ready to die?
To:Unknown
talaga lang ha? okey. Ako naman si assassin princess.
sent.
'Mafia prince? aba loko!. Nagbabasa siguro sya ng Storyland kaya akala nya mafia sya'
"Oh? nakasimangot ka? magsuklay ka na, mukha kang bruha" napasmirk lang ako.
"Bakit ka nga pala hindi dumalaw sa hospital? ha?" tingin ko sa kanya.
"Ha?... nagbonding kami nila Mama at Papa." sagot niya.
"Ano naman sa nangyari sa bonding nyo? tyka ang tagal naman nun? Kahit isang araw lang hindi mo ko sinama?"
"Kahit hindi naman tayo nagkikita magkasama pa rin tayo" tingin nya sa akin.
"Ha? Hindi kita magets?"
"What I mean is... may picture ka sa phone ko."
"Tigil-tigilan mo nga ako, sa palusot mong yan Pippa Zhynly. Saan ka ba talaga pumunta? Bakit di mo man lang ako niyaya?" suklay ko sa buhok ko.
"Kasama ko sila Mama at Papa. Nag-adventure nga kasi kami. May sinabi na ba sa'yo sila Tito Ninong?"
"Ano naman yung sasabihin nila?"
"Ah! wala." iling nyang sabi.
"Good morning students. Ow! Twilight Sky, nandito kana pala" nakangiting sabi ng prof namin.
"Oo nga, Sir" ngiti ko.
* * * * * *
Cloude Yule's POV
Nakaiwas na ako sa mga babaeng humahabol sa akin kanina. 'Bwisit na tatlong yun! nagtawag pa ng mga kalahi nila' Dapat pala hindi ko na tinulungan ang Smith na yun. Tss!.
To:TSS!
I found you Twilight Sky.
Sent
'Damn! Bakit ba parehas pa silang may--'
"Uy?! pumasok kana pala?" rinig kong boses ni Mike Winz. Habang nakatingin sa screen ng cellphone ko.
"Shut up!"
1 new message
:TSS!
Hu u?
'Tss! what the?! wala ba syang takot sa akin??'
To:TSS!
I'm mafia prince. Are you ready to die?.
sent
"Sino ba yang katext mo? mukhang naasar ka?"
"I said shut up!" masamang tingin ko sa kanya.
:TSS!
talaga lang ha? okey. Ako naman si assassin princess.
"D*mn! Iniinis mo talaga ako!"
"Chill bro." sabi ni Mike Winz at sinamaan ko lang ng tingin. Naglakad na ako paalis. "Cloude, saan ka pupunta?" tanong nya.
"Shut up, Mike." masamang tingin ko sa kanya. Napansin kong wala nang masyadong tao sa dinadaanan ko. Kaya naglakad na ako paalis at pumunta na sa room. Bago pa makapasok ang prof namin sa room, ay pumasok na agad ako.
Bago rin ako nag paikot-ikot kanina sa Univesity, kinausap ko muna si Mr. Santos. Sinabi ko sa kanya na wag niya na akong ipakilala sa buong klase dahil nakakainis ako kapag ganun.
"Good morning students. Ow! Twilight Sky, nandito kana pala" natingin sya kay Assassin Princess. 'Kilala pala sya? Mukha naman siyang mahina. Kung bakit pinagdududahan ko pa sya?'
"Oo nga, Sir" sagot habang nakangiti. 'Lagi na lang ba syang naaksidente?'
I checked her f*******: at maraming post doon na puro siya naaksidente. Napapatakip ako nang mukha dahil napapalingon sa akin ang tatlong babae na humabol sa akin kanina.
'Wala bang ibang lalaki dito? d*mn!'
"Pre, okey ka lang?" tanong ng katabi ko.
Tumango lang ako bilang sagot. Bumaling na lang ako patago sa kanila. Napayuko ako sa desk ko at napapikit na lang habang nakikinig. Pagkatapos ng class, lumabas agad silang dalawa nang kasama niya.
"Uy! Cloude. Pumasok kana pala, kumusta na ang first class?" sabi ni Rexie.
"Yun na ang huli" at naglakad na ako. Habang nakatingin sa paligid.
"Ha? Hindi kana papasok mamaya?" sunod nya akin.
"Yeah." sagot ko.
"Ano dahilan? bakit naman hindi kana papasok?"
Napahinto ako at tumingin sa kanya. 'Bwisit! bakit ang daming nyang tanong?'
"For today. Isang subject lang ako ngayon. Layuan mo na nga ako. Masaya kana?" tingin ko sa kanya habang tumatango naman sya. Lumayo naman sya sa akin at naglakad na ako paalis.
~~~
Nang makarating ako sa cafeteria, maraming nakatingin sa aking mga mata. 'D*mn it! nararamdaman ko ang mga tingin nila.'
"Omyprettygosh! Ayun sya." turo sa akin, nang isa sa humabol sa akin kanina.
'D*mn!'
Napalakad ako nang mabilis, para makalayo sa tatlo yun. Nang makita ko si Smith na may kasama. Nakatingin siya nang masama sa kasama niya.
"Naka nang! Daig mo pa ang stalker sa Twilight Sky na yan ha?" sabi ni Mike sa gilid ko. "Type mo 'no?" Dagdag pa niya.
"Shut up! Hindi ka pa ba aalis? o gusto mong hindi kana makapasok bukas?" tingin ko sa kanya.
"Oh! sige aalis na ako." taas kamay nya pa. "Yung mga chicks mo pala parating na" sabi niya, at agad lumayo sa akin.
'D*mn!'
Agad rin naman ako naglakad paalis nang cafeteria at pumunta na sa parking lot para makauwi na lang. 'Bakit ba kasi sumusunod sila sa akin?.
* * * * * *
.
#7
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===ELAINAH M.E===