Chapter 39: Twilight Sky's POV "Ate Ai, ano bang hinahanap mo?" hindi ko natiis kasi naman na co-consious na kasi ako sa mga tingin niya sa akin. "Wala naman..hehehe!.." sabi niya pero iba talaga ang tingin niya. "Bakit ako nandito?" tingin ko sa kanila. "Nasaan na si Hollis?" "Ewan ko sa'yo kung bakit ka nandito. Si Cloude, Hay! Ayun, maagang umalis, nakabusangot nga ang mukha.. May nangyari ba sa inyong dalawa?" lapit sa akin ni Ate Ai habang nakatingin pa rin sa akin. "Yeah! Naalimbungatan ako nang pumasok ka sa kwarto kagabi, Cous. Kaya nga nagulat ako na nandito ka" tingin sa akin ni Zhynly. Totoo ba yung nangyari kagabi o panaginip ko lang yun?. Napakunot yung noo ko at inaalala ang mga nangyari. =*FLASHBACK*= "Ayoko!" sabi ko. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin kaya nag

