Chapter 46: Twilight Sky's POV Monday na agad, ang bilis ng araw dahil sa dumaang bagyo nawalan ng pasok at kaya monday na uli ang pasukan, medyo na miss ko 'tong school eh!. Puro pagbabasa lang ang ginagawa ko sa kwarto ko sa bahay nila Zhynly tapos mamaya sa bahay na ako matutulog kasi gawa na daw ang bahay. "Cous, para kang tanga dyan. Tara na sa room male-late pa tayo, dyan sa ginagawa mo eh!" sabi niya. "Ang init ng ulo mo? Basag trip ka rin talaga eh! no?. Ano bang problema mo?" tingin ko sa kanya na nakasimangot. "Wala akong problema no?. Tara na nga lang!" lakad niya paalis. Wala daw problema pero nakasimangot. "Smith!" napahinto ako sa paglalakad at humarap sa tumawag sa akin. Si Hollis. Nag-beautiful eyes ako at nilagay ko ang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko at ngumi

