Chapter 28:
Pippa Zhynly's POV
Papunta ako sa kwarto ni Cous, at nakita ko ang dalawang tauhan ng Darklight na nakabantay sa pinto ng kwarto ko at kwarto ni Cous. Ang mga Darklight members lang ang nandito sa isang floor ng hospital kaya siguradong ang siguridad.
Pinagbuksan ako nang pinto ng mga tauhan, kaya pumasok ako at nakita ko si Mama na inaasikaso si Twilight.
"Darling, bakit tumayo ka agad?" lapit sa akin ni Mama.
"I'm fine, Ma. Sila Tito at Tita?" tingin ko sa may paligid dahil hindi ko sila nakikita sa loob ng kwarto.
"May aasikasuhin daw, tungkol sa perang nawawala sa company nang Darklight"sagot ni Mama.
"Ano po?! Hinack ko po ang lahat ng document properties at mga account nang darklight, bago kami pumunta sa isla dahil iyon ang inutos ni Tito Dark."
"Hindi ko nga rin alam pero para hindi naman talaga iyon ang totoong dahilan" sagot ni Mama. Ano naman kaya yun?.
Napatingin ako kay Twilight na tulog pa rin. Kailangan kaya siya magigising? Napaupo na lang ako sa may couch.
"Masakit ba yang braso mo" tingin sa akin ni Mama.
"Ayos lang po ako Ma. Mas masakit pa nga dito yung mga tama ni Twilight sa akin noon ng maglaban kami." pagbibiro ko.
"Hay! nako Pippa Zhynly! nabibiro ka pa sa lagay na yan ha?" Tingin niya sa akin. "Dito ka nga pala muna, pupunta lang ako sa iba pang pasyente. Kung may problema, may tauhan sa labas. Okey?"
"Yes Ma, may laptop po ba kayong dala? nakakabored dito" tingin ko sa paligid.
"Ipapadala ko mamaya" sabi niya at lumabas na sa may pintuan.
I sighed at napatingin ako kay Twilight. Para nga talaga siyang pusa ang dami na niyang napagdaanan na disgrasya sa buhay niya. She was lucky dahil ngayon buhay pa rin siya.
* * * * * *
Amber Ice's POV
Nandito na ako sa floor kung saan nandito ang kwarto ni Twilight. Naka-nurse outfit ako. Nakatingin sa akin yung mga lalaki na nakabantay sa dalawang pinto. Saan naman dito yung kwarto ni Twilight?
"Miss bawal po kayo dito" harang sa akin nang makarating ako malapit sa tapat ng pinto.
"Magpapainom lang ako nang gamot sa pasyente" sagot ko.
"Baka iba yung napuntahan mo, isang doctor lang ang pwedeng pumasok dito, Miss" Secured talaga para sa kanila.
"Ay! pasensiya na mga Koya. Bago kasi ako dito, nasa babang floor pala" nakangiting sabi ko. Koya talaga Ai?.
"May inutos si Miss Sunshine na may magdadala daw dito mamaya nang laptop" Laptop anong gagawin sa laptop? Baka nasa loob yung leader ng Darklight, yung parents ni Twilight.
"Nurse, hindi ka pa ba aalis?" tanong sa akin. Sunshine ang pangalan ng napadala. Kapatid ni Sunlight Mendez Smith.
"Pasensya na koya.. Hehe" Mabilis ako naglakad paalis at pumunta na sa may locker nang mga nurse kung saan ko nilagay ang box ng cupcakes at yung bag ko kung saan nakalagay yung laptop ko.
Naghubad na ako ang nurse outfit at nagtanggal ng make-up ko. Nilagay ko sa may basurahan yung sinuot ko. Madali kong kinuha yung mga gamit ko at naglakad ako pabalik sa kwarto nang may bantay.
"Ito na yung laptop na pinadala ni Ms. Sunshine"
"Laptop lang ang alam namin. Miss, ano bang laman niyan dala mo?" tingin nila sa box na hawak ko
"Cupcakes, paborito ni Miss Twilight. Hindi niyo ba alam?!" tingin ko sa kanila nang nakataas ang kilay.
"Paborito ni Young Lady? tulog pa siya paano--"tulog pa si Twilight? o ang Young Lady nila?.
"Para kapag naamoy ni Young lady malay ninyo magising na siya kasi diba? favorite nga niya ito diba?. Kaya papasukin mo ba ako o isusu--" agad naman nilang binuksan ang pintuan.
"Ito na. Miss" binuksan nan nila ang pinto.
"Thanks" lakad ko papasok. Nilibot ko ang paligid sa loob nang may maramdaman akong matigas sa ulo ko. Alam ko na dulo ng baril yun.
"Sino ka?" tanong ng boses na babae. Baka siya si Sunlight. Kaya kailangan ko magpakilala.
Bahala kung makilala niya ako o hindi. "Amber Ice Hollis. Taga-hatid ng laptop" Tinanggal niya yung baril sa ulo ko at naramdaman ko ang pagpunta niya sa harapan ko.
"Kapatid ka ni Cloude Yule?" nakatutok pa rin ang baril niya sa akin.
"Yes. But don't worry, magkaibigan kami ni Twilight"
"Hindi ako naniniwala" tingin niya sa mga mata ko.
"I'm just saying that truth. Cupcakes?" taas ko sa may box. "Her favorite" Tinangal niya yung pagkakatutok ng baril sa akin. Mahirap naman talaga magtiwala. I feel her.
"Kamusta na si Twilight?" lakad ko papalapit ng kama ni Twilight.
"Ayos naman si Cous. Bakit ka nandito? Bawal ang ginagawa mo?" sabi niya.
"Gusto ko lang dalawin si Twilight."
"Walang nakakaalam na nandito kami sa hospital kaya sana wag mo nang sabi sa kapatid mo." sabi niya.
"Alam ko na yun, pero I think alam na ni Cloude na nandito kayo" nakangiting sabi ko sa kanya.
"What?!" gulat na tanong niya.
"Wag kang mag-alala mukhang hindi naman niya ipagsasabi" lingon ko sa kanya.
"Ganun ba?. Maupo ka muna" turo niya sa couch. I think magkakasundo rin kami like Twilight.
"Thanks" naglakad na ako papunta sa couch at nilapag ko na yung box.
"Ano nga palang pangalan mo?" nakangiting tanong ko.
"I'm Pippa Zhynly Jones. Zhynly for short or Pippa or whatever you want" sagot niya.
"Cousin ka pala ni Twilight" tumango lang siya. Nang may kumatok kaya napatayo ako.
"Ako na ang bahala" Pumunta siya sa may pinto. Pinakingan ko yung pinag-uusapan nila.
"Miss Zhynly, may nagpapaabot daw po ng laptop. Kaso may pumasok na pong babae sa loob" rinig ko sa sinabi ng nagbabantay.
"P-Pinadala siya ni Jacob sa akin. Nasaan na yung laptop at paalisin mo na agad siya. Tyka, please! kumatok muna kayo kung may papasukin kayo"
"Sige po" sinara niya ang pinto dala ang laptop na kinuha niya at naupo na ako sa couch.
"Nasaan nga pala ang parents ni Twilight I thought they were here" She looked at me. Ayaw niyang pag-usapan? Okey fine.
"I don't know. " sagot niya na nakatalikod. "Nakwento kana sa akin ni Twilight. Sinabi mabait ka daw, kung ganun hahayaan kita na nandito" Umupo siya sa upuan na nasa harapan ng couch kaya magkatapat kami nang upuan.
"Thanks" sabi ko.
"Pwede ba ako mag tanong?" tingin niya sa mata ko na parang niya akong binabasa.
"Sure. About what?" nakangiting tanong ko sa kanya. Alam kong hindi niya akong kayang basahin, pero siya kayang-kaya ko.
"Sa organization. May alam ka ba sa organization tungkol sa lahat leader?" So? Gusto niyang kumuha sa akin ng impormasyon sinasabi ko na nga ba eh! .
"What do you mean?" Paniniguradong tanong ko.
"About the Mafia Bosses, their company, properties, and more" Gotcha!.
"Kilala ko ang iba sa mga mafia bosses, pero ang ibigay sa'yo ang nalalaman kong impormasyon, hindi ko yun magagawa" matamis na ngiti ko sa kanya. "Sana maintindihan mo"
"I understand" She said and smiled at me. "I'm sorry, I was so desperate to find out such a thing"
"It's okey. Ganyan rin naman ako dati, pero sana wag mo na uling gawin. Maaari kang mapahamak sa mga tanong mo eh!."
"Yeah! So? Let's change the topic, kapatid ka ni Cloude right?"
"Yeah. Classmate mo siya right?" nakangiting tanong ko. I'm comfortable with her, just like Twilight.
"Yes. Pero si Twilight lang yata ang nakakalapit at nakakausap niya sa room namin. Lalo na nung matapos silang maging magpartner sa room nila. Pero dahil kailangan niyang magtraining, hindi na sila nagkikita. Hindi ko alam na girlfriend pala ni Cloude. Si Skyler" That b***h. Pero teka, masyado yatang madaldal 'tong pinsan ni Twilight.
"Oww! Yah!" I smiled to hide ang pagkainis ko kay Sky. Nang mapalingon ako kay Twilight na gumagalaw ang kamay niya. "Si Twilight" napatayo ako at lumapit sa kama ni Twilight. Napasunod naman sa akin yung cousin niya.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
Narinig ko ang lahat ng pinag-uusapan nila Zhynly at Ate Ai. Marami palang talagang Leader sa likod ng Organization. Kailangan kong malaman kung sino sila, gusto kong malaman kung kakampi ba sila ni Harwell o kalaban namin. So I decided to wake up even though my body was in pain, dahil sa nangyari sa akin.
"Si Twilight"
"Twilight, kumusta kana?" tanong ni Ate Ai. Hindi ko siya sinagot tumingin lang ako sa paligid ko dahil wala nga sila Nanay at Tatay tulad ng narinig ko.
"Ipapatawagin ko lang si Mama"
Nararamdaman ko parin ang mahinang katawan ko pero kailangan kong ipakita na magaling na ako at malakas para makaalis na ako dito sa hospital para makakuha na nang impormasyon.
"Twilight, kumusta na ang pakiramdam mo?" lapit sa akin ni Tita Sunshine.
"Ayos na ako tita, Hi! Ate Ai" pilit akong ngumiti sa kanila. Yung ngiting alam ko hindi nila ako mapagdududahan na nagkukunyari lang ako, ngunit mukhang nagulat sila.
"Mabuti naman kung ganun, pero kailangan mo paring makapag-pahinga, mahina pa rin ang katawan mo" sabi ni Tita.
"Tita ayos na po ako, tignan nyo. Nagagalaw ko na ang binti ko" masayang pagkakasabi ko. "Gusto ko na pong umuwi. Sila Tatay nga po? Alam kong papayagan na akong umuwi ni Tatay"
"Umalis sila nang Nanay mo, pero sigurado babalik rin sila kaagad" Alam kong hindi ako makakatakas kay Tita Mama lalo pa't pagsakit ang itatago, alam kong alam niya kung okey o hindi ang isang pasyente.
Kaya napag-isip ko na masyado yatang halata ang mga pinakita ko sa kanila dahil nakatingin lang silang tatlo akin. "Gusto ko na pong palang kumain" pagbabago ko nang usapan.
"May dala akong cupcakes, If you want it, ako ang nagbake nito" taas ni Ate Ai sa box.
"Iha, sino ka nga pala? Ang pagkakaalam ko wala nakakaalam na nasa hospital sila bukod kay Jacob ha?" Tingin ni Tita kay Ate Ai.
Ngumiti naman si Ate Ai kay Tita. "I'm Amber Ice Valdez Hollis, Dra. Jones" abot ni Ate Ai sa kamay niya kay Tita.
"Hollis? Isa kang Hollis?" Gulat na tanong ni Tita Mama. Akala ko magagalit siya kasi diba? Ibang group sila "Kilala mo si Lambert Rain Hollis?"
"Yes po. He's my Dad"
"Really? Siya yung dating mangliligaw ni Ate Sunlight?" natawa pa si Tita. Manliligaw ni Nanay si Mr. Hollis? Ibig sabihin tama ako?.'
"Suitor ni Tita Sunlight? Omygosh! Really?!" tingin ni Zhylyn kay Ate Ai.
Tumango si Ate Ai. "Yeah. Nakakahiya mang aminin" nakangiting sabi ni Ate Ai. "Pero oo".
"Paano nangyari? Please... I-kwento mo, gusto kong malaman" ugot ni Zhynly.
"Doc, Pwede ba?" nakangiting tingin ni Ate Ai kay Tita.
"Sure. Ikaw naman ang manglalaglag sa Ama mo eh" Tita said. "Pero pakainin muna natin si Twilight, gutom na siya" I don't know but gusto ko ring malaman yung kwento nila Nanay at Mr. Hollis, kasi tama ako Hehe. May pang iinis na naman ako kay Tatay!
Siguro dito may makukuha rin akong impormasyon base sa nakaraan. Sa ngayon kailangan ko munang magpahinga kahit paano habang nakikinig sa iku-kwento ni Ate Ai.
"Pwedeng akin na yung cupcakes" turo ko at inalalayan ako ni Tita Mama at Zhynly na maupo sa kama. Naramdaman ko kumirot ang binti ko kailangan ko nga talagang nagpahinga. "Ikwento mo na rin Ate Ai ang story nila Nanay" excited sa sabi ko.
"Sige, maiwan ko na muna kayo. Tawagin mo na lang ako kung may masakit na nararamdaman kayo ni Twilight ha?" tingin niya sa aming dalawa ni Zhynly. Inabot sa akin ni Ate Ai yung cupcakes. Best cupcakes ever na naman ang makakain ko.
"Yes, Ma" sagot ni Zhynly. Lumabas na si Tita Mama habang nakaupo na naka-indian seat sila Ate Ai at Zhynly sa paanan ng kama ko.
"Okey... sisimulan ko nang ang story" huminga siya nang malalim at tumingin sa aming dalawa ni Zhynly.
"Once upon a time... Hahaha! I'm just kidding" tumawa pa siya na parang gusto pa kaming bitinin sa pagkwe-kwento nang tungkol kala Nanay at Mr. Hollis.
* * * * * *
.
#28
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===Elainah M.E===