Chapter 17

2834 Words
Chapter 17: Twilight Sky's POV Kinuha ang laptop ko sa sopa habang nakapalibot pa rin sila sa akin. Ano bang problema nila? feeling ko tuloy kriminal ako na kailangan bantayan sa bawat galaw ko. Nilagay ko na ang laptop ko sa lagyanan at binuhat ko. Lumapit ako kay Mrs. Hollis para magpasalamat at magpaalam. "Thanks po, Miss Claudia" nakangiting sabi ko. "Tita Claudia na lang ang itawag mo sa akin, classmate ka naman ni Cloude." nakangiting sabi niya. "Salamat po, Tita" "Sana makabalik ka dito sa bahay, para maipagluto kita" "Talaga po? Salamat" Nang may lumapit sa tabi nya lalaki. "Asawa ko nga pala si Lambert, si Twilight classmate ni Cloude" pakilala niya. "Hi! po. Mr. Hollis" Tumango lang sya habang nakatingin sa akin. Mukha siyang masunget kagaya ni Hollis. "Tawagin mo na lang syang Tito Lambert, tyka wag kang matakot. Mabait naman siya kahit paano" "Hehe! ganun po ba?. Sige po, Tita at Tito aalis na po ako" kaway ko. "Let's go" yaya ni Hollis sa akin. "Sige po! salamat po uli. Si Ate Ai po?" "I'm here, kinuha ko lang itong pabaon ko sa'yo cupcakes" Nanlaki ang mata ko. "Salamat!" kuha ko sa paper bag. "Iba pala effect sa'yo ng cupcakes. Ingat ka dear, baka isang araw panis na ang makain mo" "Thanks, Ate Ai. Don't worry malakas ang pang amoy ko" biro ko. "Goodbye, see you next time. Balik ka ha?" "Oo naman. Alis na ako. Bye!" Kumaway na ako sa kanila pero nakapalibot pa rin ang mga kaibigan ni Hollis sa akin. Pagkalabas namin ng bahay nila, tyka naman nagsilayuan ang apat sa akin. "Where is your key?" "Ito!" taas ko. Kinuha nya ang susi sa kamay ko. "I'll drive you home" "Paano ka makakauwi?" "Susunod sa atin si Grayson" nauna na siyang maglakad papunta sa sasakyan ko. "Oi! Sorry nga pala sa paghiga ko sa kama mo" Hindi siya kumibo, pumasok lang siya loob ng sasakyan kaya pumasok na rin ako. Pinaandar niya na ang sasakyan habang nakasunod ang kaibigan niyang si Grayson sa amin. "Bakit nga pala ako nahimatay?" "I don't know" "Alam mo ba? nanaginip ako na may hawak na baril si Ate Ai. Ang astig nyang tignan" "Holding a gun is not cool, it's a dangerous thing. Do you know that?" he said seriously while looking at me. Tumingin na rin siya sa unahan. "Alam ko naman yun. Nakahawak ka na ba ng baril?" "No" "Kahit water gun? pelit gun? o yung tumutunog na gun? Yung bata ka pa?" "Seriously?" "Ayos lang naman kung hindi pa, baka barbie yung nilalaro mo noong bata ka" pang-iinis ko sa kanya. "Tss!." tinignan niya lang ako ng masama. Tinawanan ko siya. "Joke lang" ngiti ko pero hindi niya ako pinansin. Tumunog ang cellphone ko at tumatawag si Jacob sa akin. "Hello! Jay" "Nakita ko ang sasakyan ni Tito, ginamit mo ba?" "Ahh! Oo gamit ko ngayon, bakit?" "Saan ka pupunta?" "Ako? pauwi na" Napatingin ako sa daan. "Tawagan na lang kita" I-end ko ang tawag. "Ibalik mo, napalayo tuloy tayo. Malapit lang ang bahay namin sa inyo. Iliko mo doon, tapos diretso ka" sinunod naman niya ang sinabi ko. "Sigurado ka ba na ikaw na ang bahala sa report natin?" tanong ko sa kanya. "Yes" "Baka mahirapan ka?" tinignan niya lang ako. "Okey" kibit balikat ko. "Yung mga kaibigan mo kanina, pinagtri-tripan ba nila ako kanina?" "Bakit naman?" "Nagtanong ka pa, nakita mo naman. Makabantay sila sa akin wagas, dun sa loob ng bahay nyo tapos pagkalabas ko. Bigla silang nagsilayo. Ano kaya yun?" paliwanag ko sa kanya. Umiling lang siya at ngumisi. "Iliko mo" turo ko nang makita ko ang daan papunta sa bahay. "Mababait ang magulang mo no, Hollis? pati ate mo. Pero bakit ikaw hindi?" Tiningnan nya ako ng masama habang nagda-drive pa rin siya. "Joke lang yun, baka mabanga tayo o?" turo ko sa daan pero hindi pa rin sya natinag sa masamang titig sa akin. "You so are talkative" pagsabi niya agad niyang pinabilis ang pag-andar ng sasakyan. "Duon, ang bahay namin" turo ko. Pagkahinto niya sa tapat ng bahay lumabas siya ng sasakyan kaya lumabas na rin ako. "Catch!" hagis niya sa susi na agad ko namang nasalo at naglakad na siya paalis. "Hollis!" lumingon siya habang nakapasok ang kamay sa bulsa ng jeans niya. "Sigurado ka ba talaga na ikaw na ang gagawa?" "Twilight!" napalingon ako sa may gate ng makita ko si Jacob. Binalik ko ang tingin ko sa kanya pero nakasakay na siya sa sasakyan ni Grayson. "Sino yun?" tanong ni Jacob na nasa likuran ko. "Si Hollis, kablockmate namin ni Zhynly" "Ahh! nagdate kayo? ikaw ha? may padate-date kana ha? tumatakas ka kala Tita ha!?" "Manahimik ka nga! naggawa lang kami ng report. Tara na pasok na tayo" kapit ko sa braso niya. "Baka magselos si Pippa" "Bakit kayo na ba?" akbay ko sa kanya kahit napakalaki nang lalaking ito. Nakatagilid siya para pumantay lang sa akin. "Hindi pa" sabi niya. "Feeling ka! Akala mo naman sasagutin ka ng pinsan ko!" "Twilight, naman eh!" "Ay! may kaartehang kana ganyan? Nanligaw kana ba?" Pumasok na kami sa loob ng bahay. * * * * * * Kelly Ann's POV Nasa loob kami ng bahay ng Boss dahil pinatawag nya kami kung alam naming kung nasaan si Young Lady. =*FLASHBACK*= "Reyes! Where's my daughter? She doesn't answer my calls." sabi ni Boss kay Athan pagkatapos ng ingkwentrong nangyari sa bahay ng mga Smith at sa safe house. "I'm sorry, Boss. Ang alam ko po kasi na wala syang pasok at akala ko rin po na magta-training lang po kayo ngayon" "Call Zhynly or Jacob! s**t!" akyat pataas ni Boss. Nabaril si Lady Sunlight sa tagiliran niya at ginagamot sya ni Miss Sunshine. =*END OF FLASHBACK*= Nakita namin na papasok ang Young Lady habang nakaakbay kay Jacob. "Cous!" lapit ni Zhynly sa kanila. "Hi! Zhynly, mga kaibigan mo? Hi!" turo niya sa amin. "Yes" sagot naman ni Zhynly. "Sila Nanay?" tanong ni Young Lady. "Nasa taas" kita sa mukha ni Zhynly ang pag-aalala ngunit hindi yata iyon nakita ng Young Lady. "Ahh! sige pupuntahan ko lang" lakad niya pataas ng mapatingin sa paligid. "Cous!..." tawag ni Zhynly. Huminto ang Young Lady at tumingin kay Pippa Zhynly. "May nangyari ba dito?" tanong ni Young Lady. "My Daughter!" napatingin kami sa taas nasa dulo si Boss ng hagdan at nakatayo. "Tatay, si Nanay po? Anong nangyari dito sa bahay?" "Come with me" patakbo naman lumapit ang Young Lady kay Boss. Napatingin ako kanila Jacob at Zhynly, napansin ko na masyado silang malapit sa isa't-isa. May relasyon kaya sila?. "Labas muna tayo" yaya ni Athan sa akin. "Pero baka hanapin tayo ni Boss" sabi ko sa kanya. "Sa labas lang naman" sabi niya. "Sige na, tatawagin ko nalang kayo" sabi ni Jacob habang nakangiti. Bakit parang ang sakit? Ang sakit na makita na masaya siya sa iba kahit kailan lang naman sila nagkakilala. "Tara na" hila sa akin ni Athan kaya naglakad na rin ako pasunod sa kanya at binitawan na niya ako. ~~~ Naupo si Athan sa mahabang upuan at naupo rin ako sa tabi niya. "Gusto makapag-solo nang dalawa" sabi ni Athan. "Nang aasar ka ba?" tanong ko sa kanya. Alam ko may meaning yung sinasabi niya. "Nang iinis lang" sabi niya at ngumisi. "Samantha!" tingin ko sa kanya nang masama. * * * * * * Grayson's POV Nakita ko ang paghinto ni Cloude sa paglalakad at tumingin siya kay Miss Twilight at sa kasama nito. Magkaakbay pa ang dalawa na pumasok sa bahay. Pumasok na si Cloude sa sasakyan. "Let's go" sabi niya kaya pinaandar ko na lang ang sasakyan. Tahimik lang si Cloude habang nakatingin sa may bintana kaya pinabayaan ko na lang siya. ~~~ Pagkarating namin sa bahay nila, bumaba agad sya ng sasakyan. Nakaabang naman ang tatlo sa labas lumabas na rin ako. "Cloude, kumusta-- ahh! sige" mukhang wala itong narinig dahil nilagpasan lang nito si Mike. "Pre, ano nangyari sa isang yun?" tanong niya. "Baka pagod lang" sagot ko. "Gusto ko sana itanong kung nahalata ba ni Miss Twilight ang pagtatago natin sa kanya sa paligid ng bahay. Pero mukhang wala sa mood si Cloude" sabi ni Mike. "Panigurado yun, ikaw ba naman balibutan paikot. Baka isipin nga ni Miss Twilight pinagti-tripan natin sya" sabi naman ni Rexie. "Basta ako uuwi na, gusto ko nang maligo" lapit ni Travis sa amin. "Ako rin, uwi na ako sa bahay. Si Mommy baka magalit yun" sabi naman ni Rexie. "Ikaw, Mike?" tingin ko sa kanya. "Condo na ako, may pasok pa bukas. Sige!" saludo niya pa. Nagsipuntahan na sila sa mga sasakyan nila at umalis. Pumasok muna ako sa bahay nila Cloude. "Grayson!" "Miss Amber, magpapaalam lang sana ako kala Tita" "Nasa taas na sila, nagpapahinga na. Sasabihin ko na lang na umalis kana" Ngiti niya. "Ganun ba?. Sige, aalis na ako" tumango naman siya at naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin hanggang sa makalabas na ako sa gate nila. "Hey!" napalingon ako sa kanya "What are you doing here?" lakad ni Miss Amber palapit kay Clarkson. "I just missed you" Naglakad na ako papunta sa sasakyan ko at hindi na sila pinansin. "Grayson! Ingat!" sabi ni Miss Amber. Lumingon at tumango lang ako sa kanya. Sumakay na ako sa sasakyan ko at agad kong pinaharurot. * * * * * * Twilight Sky's POV Nakahiga si Nanay sa kama nila ni Tatay, maputla ang mukha niya habang wala siyang malay. "Ano po bang nangyari? Ayos lang po ba si Nanay?" hawak ko sa kamay ni Nanay. "Ayos lang sya, Twilight" sabi ni Tita Sunshine. "Sino bang may gawa nito kay Nanay?" mahinang tanong ko habang nakatingin kay Nanay. "Isang mafia group" sabi ni Tita Sunshine. "Mafia group?" I asked and looked at Tatay. He's a Mafia Boss and assassin too. Pero bakit ganito ang nangyati kay Nanay? Bakit hindi nya na-protektahan si Nanay? Nakatingin lang ako sa kanya habang pinipigilan ang sarili ko na wag sabihin ang mga nasa isip ko. "Ang Darklight ay isang grupo. At ang Tatay mo ang Boss, pero sa meron pang mas mataas sa Tatay mo dahil kasali ang Darklight group sa isang organisasyon. Pero namatay na ang namumuno dito kaya nagkakagulo ngayon sa organisasyon. May taong gustong makuna ang posisyon kaya ginugulo niya ang organisyon." paliwanag ni Tita Sunshine. "Sino sila?" tanong ko. Bakit nila sinaktan si Nanay?. "We don't need to talk about that now. What's important is that your mother is safe." Tatay said. "Why not? Gusto ko lang naman pong malaman kung sino ang gumawa nito kay Nanay. tingin ko sa mukha ni Nanay at nakita kong padilat ang mga mata niya. "Nanay!" "Ayos ka lang ba, Sweetie? wala bang nangyari sa'yo?" tanong ni Nanay. "Lalabas muna ako" paalam ni Tita. "I'm fine, Nanay. I'm sorry na wala ako dito" sagot ko. "Mas okey nga yun" ngumiti siya at hinawi ang buhok ko papuntan sa likod ng tenga ko. "Life! I'm sorry" saad ni Tatay at hinawakan niya ang kamay ni Nanay. "Wag nga kayong mag-alala sa akin. I'm fine. Maghihilom rin ang sugat ko, Sweetie. Gusto ko munang matulog masyado kayong maingay" sabi ni Nanay. "Go back to sleep, Life" hinalikan ni Tatay sa forehead si Nanay. "Take a rest, Life. Let's go, My daughter" lakad ni Tatay papunta sa pinto. "Nanay..." tingin ko kay Nanay. "Ayos lang ako" tumango na lang ako at sumunod na kay Tatay. ~~~ "Where are they?" tanong ni Tatay. "Boss!" lapit ng dalawang babae na kaibigan ni Zhynly. "She's Samantha Reyes, she's your guardian" turo ni Tatay sa babaeng maikling ang buhok. "And she's Kelly Ann Curtis" turo naman ni Tatay sa isa pa pero nakatingin pa rin ako kay Samantha Reyes. Nakita ko na siya. "Nagkita na ba tayo?" turo ko sa kanya. "Yes, Young Lady" "I'm Twilight Sky Smith, I'm not Young lady" sabi ko sa kanya. "They call you Young lady because you are my daughter and they respect you. Understand?" "Slow!" rinig ko sabi ng dalawa sa likod. Sila Zhynly at Jacob. "Bakit sila?" turo ko sa dalawa. "You two, can you stay away from each other?" Madali namang naghiwalay sila Jacob at Zhynly. "I want you to know sila ang makakasama mo for your safety. Lagi silang nasa paligid mo lalo na si Athan, siyang ang susunod sa'yo kahit saan ka magpunta." "Hindi ko sya nakita kanina" sabi ko. "I'm sorry, Young Lady" "Dahil hindi ka naman lumalabas ng bahay at alam nya wala kang klase ngayon." sabi ni Tatay. "Okey lang yun" sabi ko habang nakangiti sa kanya. "You can leave now" sabi ni Tatay.. Umalis na sila Jacob pero naiwan lang si Zhynly dahil magsasabay na lang sila ni Tita Sunshine. "Where are you going?" tanong ni Tatay. Nakalimutan ko kasi yung paper bag na binigay sa akin ni Ate Ai. "Sa sasakyan, Tatay. May nakalimutan lang po ako kuhain" "Okey" naglakad na ako papuntang sasakyan. "Ito!" kuha ko sa paper bag malapit sa passenger's seat. Napatingin ako driver seat, hindi nga pala ako nakapagsalamat sa kanya. Kay Hollis. "My daughter, are you alright?" "Y-Yes" tingin ko kay Tatay. "What are you thinking?" He asked. "Nothing" iling ko. "What is that?" turo niya sa hawak ko. "Cupcakes, you want po?" "No, thanks. Let's go inside" sabi niya. Naglakad ako palapit kay Tatay, sabay kaming naglakad papasok. "Starting tomorrow your training will not be easy. Hindi naman naging madali ang mga tinuro ko sa'yo pero natutunan mo agad" "Magaling po kasi ako" biro ko. "Kaya hindi na magiging madali ang training mo ang ituturo ko bukas. After a month, may pupuntahan tayong party." "Ayoko sa pumunta, Tatay. Ayoko sa mga party" "Hindi 'yun basta-basta business gathering, doon mo makikita at makikilala ang mga tao sa organisasyon. Ang mga Mafia Bosses at ilang Assassins, ganun rin ang ilan sa mga membro nila" "P-Po?" I was shocked. "Kailangan ko po ba talagang sumama doon?" "Yes, You need to be there, kaya rin kita pinayagan su.ali sa grupo dahil ikaw ang nag-iisang anak ko. Ikaw ang magiging kapalit ko sa pagpapalakad ng Darklight group. You want to join this tumultuous life, right? and you must fulfill my leadership in the future" Tatay looked to me. "Simula bata ka pa lang, I wanted to teach you things that I know but your Mom doesn't want to. She wants to protect you and be safe. But look at you now, you want to join this chaotic life." tinitigan ko si Tatay na nakatingin sa bahay. "You are my princess but I need to teach you how to be strong, at kung paano mo ipagtanggol ang sarili mo, at ang mga taong mahalaga sa'yo." tumingin siya sa akin at ngumiti naman ako. "Thank you for everything, Tatay. Sorry rin kanina dahil marami akong naisip na alam kong makakasakit sa'yo kanina. Simula pa lang noon, pinoprotektahan ninyo na ako ni Nanay at salamat dahil pumayag kayo sa kagustuhan kong sumali sa magulong buhay na 'to. Hindi ko pa lubos na makita kung ano nga ba ang buhay na 'to, pero alam kong magulo 'to at hindi ko alam kung hanggang kailan ko 'to makakaya. Pero para po sa inyo ni Nanay kakayanin ko po" ngumiti si Tatay sa akin kaya yumakap ako sa kanya. "I'm always by your side to protect you and also your mother." halik niya sa ulo ko. "Wala ka naman po kanina sa tabi ko" tingin ko kay Tatay at tinignan niya ako ng masama. "Always po kasi sabi nyo!" "Tss! Your so slow, My baby" gulo niya sa buhok ko. "Tatay naman eh!" angal ko. "You're so cute, my daughter" napangiti ako. "But I know you prefer the son, right?" Tumingin pa siya sa taas na parang nag-iisip talaga. "Nag isip pa. Alam ko naman po yun, pinapasuot nyo nga po ako ng panlalaking damit." "Look at you, you have a strong personality" I looked at him. "Anong konek po nun?. Pero sige na nga po" ngiti ko sa kanya. Siguro kaya mas sanay ako na makihalubilo sa lalaki kaysa sa babae, noon bata pa ako. Kaya naging close ko sila Jacob at Homer. "Pero weak pa rin po ako minsan, I'm not strong like you, Tatay. I have weaknesses too." I sighed. "Yes. Because we are human, no matter how strong we are, may pagkakataon na mahina tayo. Kahinaan ko kayo ng Nanay mo, kapag nasaktan kayo o makita ko kayong sasaktan pero kailangan kong maging strong para sa inyo." Napatingin ako kay Tatay, hindi perfect si Tatay pero alam ko at nakikita ko kung gaano nya kami kamahal ni Nanay. Sana katulad din ng personality ni Tatay ang future husband ko. Pero matagal pa 'yun. Naglakad na kami papunta sa kwarto nila ni Nanay para kumustahin ang kalagayan ni Nanay. * * * * * * . #17 #TMAPaP #EllyM.E. IAmElainah A/N: Hi! Guys! Maganda ba ang story na 'to? Worth it ba ang oras nyo? Please comment! Survey lang hehe!. (Wag mahiyang magcomment) ===Elainah M.E===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD