Chapter 15

2214 Words
Chapter 15: Kelly Ann Curtis's POV Kumatok ako at pumasok sa opisina ni Lady Sunlight para ibigay ang mga natuklasam ko tungkol sa insidente na nangyari kay Young Lady Twilight sa bundok. "Lady Sunlight" yuko ko at tumingin sa kanya. "May nakuha ka na ba?" "Opo. Ito po ang profile at iba pang impormasyon tungkol kay Autumn Lacson" abot ko sa kanya ng envelope na agad na niya naman kinuha. "Si Autumn Lacson po ay adopted daughter ng mga Harwell. Mula nung isang buwan gulang pa lang po sya" "Maaaring utusan sya ni Harwell" "Maaari po. Nalaman ko rin na ang kaibigan ni Young Lady na si Homer Red Montel ang boyfriend ni Autumn. May mga pagkakataon rin po na nagkaka-iringan ang Young Lady at si Autumn, ganun na rin po si Zhynly" "Gusto kong sundan mo ang bawat galaw ni Autumn Lacson, kung may kinalaman nga si Harwell sa nangyari kay Twilight" "Masusunod po" sagot ko. "May balita kana ba kay Althea sa tunay na anak ni Harwell. Totoo bang patay na talaga siya?" "Opo, naaksidente sya three years ago dahil sa isang car accident." paliwanag ko. "Ganun ba?. Thank for this information" angat nya sa envelope na binigay ko. "Paki-sabihan si Athan na bantayan mabuti si Twilight" "Sige po. Aalis na rin po ako" yuko at naglakad na papunta ng pinto. "Kumusta na nga pala si Zhynly?" lumingon ako at humarap sa kanya. "Nang mga araw na wala po ang Young Lady, nagkakasama po sila ni Cruz." Bigla ako nakaramdam ng ingit kay Zhynly dahil siya nakakasama niya si Jacob ako, malayo sa taong gusto ko, sa taong mahal. "Kelly!" napatingon ako sa mukha ni Lady Sunlight na parang nag aalala. "Ayos ka lang?" "O-opo." ngumiti ako. "Aalis na po ako-" "Pwede ka namang humindi sa mga pinapagawa ko, Kelly Ann. Alam ko namang may mga gusto ka rin gawin. Marami namang kayo pwedeng gumawa nyan" "Kaya ko naman po ang pinapagawa ninyo" ngiti ko. "Sige po aalis na rin ako." tumango naman sya kaya lumabas na ako. * * * * * * Athan's POV Tinanggal ko ang headset sa tenga ko ng makita ang pangalan ni Kelly sa screen ng phone ko. "Hello!" "Kamusta na ang Young Lady?" Napatingin ako sa gawi ng Young Lady na papasok na sa sasakyan nya. "Maybe she's going home now" walang ganang sagot ko at nginuya ang babulgum. "Hoy! Samantha itigil mo nga yang pag-nguya mo" Nagseatbelt na ako. "Don't call me Samantha" "Sige na. Kapag nakapasok na ang Young Lady sa bahay nila punta ka sa Elle's, kita tayo doon" Isang resto bar malapit sa tinutuluyan kong condo. "Tss! Si Jacob na naman ba ang pag-uusapan natin?" I rolled my eyes. "I miss him" "Hay! Nako, problema talaga ng mga babae" I smirked. "Excuse me? babae ka kaya?" nakita ko umandar na yung sasakyan ng Young Lady. "Kita na lang tayo sa Elle's." I hang up. Sinundan ko na ang sasakayan ng Young Lady ng umandar ang sasakyan nito. ~~~ Napakunot ang noo ko ng biglang huminto ang sasakyan ni Young Lady kaya napahinto ako at napatingin sa paligid kung may napansin ba siyang kakaiba. Lumabas sya ng sasakyan nya at pumunta sa may pintuan ng sasakyan ko kaya binaba ko ang salamin. "May problema ba?" tingin ko sa kanya. "Sumusunod ka ba sa akin?" "Excuse me? At-" "Ah! dito ba ang bahay mo?" turo nya sa isang bahay. "Sorry akala ko sinusandan mo ko " Napakunot ang noo ko dahil sa inakala nyang bahay ko ang nasa tapat na bahay. "Sorry talaga. Sige alis na ako" Naglakad na sya pabalik ng sasakyan niya habang ako nakatingin lang sasakyan niya. Sinundan ko uli siya na medyo malayo na ako sa kanya. Nang makapasok na ang sasakyan niya sa garahe nila nag-text na ako kay Boss na nasa bahay na ang Young Lady * * * * * * (Kinabukasan) Twilight Sky's POV Nasa kotse na ako habang nasa tapat ng bahay ni Hollis, maaga ako umalis para matapos agad kami at makapagtraining na kami ni Tatay. Malaki at maganda ang bahay nila, mukhang kahit sa loob nito ay maganda rin. Nagtext siya sa akin at nagulat ako dahil siya pala ang nagpakilala sa aking Mafia Prince. Nakalimutan ko na rin kasi dahil nagpopokus ako sa training namin nI Tatay. Lumabas na ako ng sasakyan at nakita kong nay nagbukas ng gate. Tumingin siya sa akin ng masama habang papalapit sa akin. "Who are you?" tanong niya sa akin. "Ah! eh! Ako si Twilight Sky. Dito ba ang bahay ni Hollis?" turo ko sa bahay na pinangalingan niya. "You mean, Cloude?" Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa na kinakunot ng noo ko. "Oo, kuya mo ba sya o girlfriend ka nya? Andyan ba sya?" She laughed and I just stared at her. "He's my brother. He's inside now, come with me." yaya niya. Kay sumunod naman ako sa kanya. Nang bigla siyang huminto at lumingon sa akin. "Sa'yo ba yang car?" tingin nya sa labas. "Ah! hindi sa Tatay ko" "ah!. by the way, I'm Amber Ice." abot nya sa kamay nya. "Twilight Sky, nice to meet you" Naglakad na kami papasok sa bahay nila. Malaki at modern style na bahay, maraming painting tulad ng bahay namin. 'Meron rin kayang secret room dito or what?' "Twilight Sky, right? Ngayon na lang ulit nagpapunta dito si Cloude ng bago kaibigan" "Hindi ko siya kaibigan ng kuya mo. May gagawin lang kami na kailangan sa school." "Mukha ko ba talaga syang kuya?" tawa niya. "O-Oo. Dida sabi mo?" "Na brother ko sya? Yes. But his my younger brother" "Talaga?. Mukha ka kasing bata, tyka mukhang kuya mo talaga si-- si Hollis. Ate ka pala nya" "Yeah! Gusto na kita" Nanlaki yung mata ko. "Ano?" 'tomboy ba sya?' Tumawa siya nang parang nakakatawa ang sinabi ko kahit wala namang nakakatawa. "Mali yung iniisip. I want you because akala mo kuya ko si Cloude. Why nga ba?" "Kasi naman laging nakasimangot, akala mo lahat ng problema ng bansa nasa kanya. Ang ganda nya pa naman." napapailing ako pag-naiisip kong mas maganda pa sya sa akin. Tumawa ulit siya. "Maganda?" "Oo. Mukha syang babae. Akala ko ka nga dati babae sya" Sobra na siyang natatawa sa mga sinasabi ko. Hindi naman ako nagbibiro. "Sana lagi kang nandito, to make me laugh." "Sa susunod may bayad na" mahinang siko ko sa kanya. Tumango siya at ngumiti. "Yeah! Shoppin?" "Ayoko nun. Cupcakes" "What are you doing here?" Napatingin ako sa taong pababa ng hagdan. Si Hollis. "May gagawin tayong report diba? pumunta na ako ng maaga para matapos agad natin" "Sky, feel at home. Aalis muna ako, gagawan kita ng cupcakes para sa'yo" "Talaga? marunong ka? hehe. Salamat." "You're welcome Sky" "Don't call her Sky" Napatingin ako sa kanya. Anong problema niya?. "May past na namang involved. Pssh!" Lakad ni Amber Ice. "Ah! Sky-" "I said-" "Fine! Twilight, okey na?" masamang tingin nito kay Hollis. "Pumunta ka nalang sa kitchen mabilis kayong natapos. And just call me Ate Ai" "Sige. Ate Ai." Naglakad na siya paalis at napatingin ako kay Hollis. "Gawa na tayo" "I haven't even had breakfast yet. May pupuntahan ka ba?." lakad nya papunta sa may couch at sumensyas na maupo ako. "Pasensya na maaga ako" upo ko sa single couch. "Nasaan na yung laptop mo?" "Nasa sasakyan, kukuwain ko lang" tayo ko at naglakad. Napansin kong tumayo siya at sumusunod sa akin kaya napalingon ako. "Go! Don't look at me like that." "Pasensya!" naglakad na ako. Habang nakasunod pa rin sya, feeling ko may gagawin akong masama. "Bakit ka ba nakasunod, Hollis?" Harap ko sa kanya ng makalabas ng gate nila. "I just want to make sure you are safe." "Tss! nasa bahay nyo kaya ako" sabi ko sa kanya. "Just get your laptop. Tss!" "You're not you, when you're hungry" Tinitigan niya ako nang masama, pero umiwas rin naman ng tingin. "Tss!" naglakad na lang ako papunta sa sasakyan ko ng may maramdaman akong kakaiba. Feeling ko may nakatingin sa akin sa malayo. "Hey! Dalian mo" "Oo." lakad ko papalapit sa kanya ng maisara ko na ang sasakyan. "tss! not today! f**k!" rinig kong sabi nya. 'Ayaw nya yatang gumawa ng report?.' "Gusto mo bang sa ibang araw na lang?" "Tss! Let's go." Hila niya sa akin. Nang makapasok na kami sa gate, napalingon ako sa labas at nakita ko may lalaki sa may rooftop. 'Baka nagsasampay lang ng damit' "What are you looking at?" "Wala." lakad ko na papasok. Napalingon kami nang may marinig kaming sasakyan. "Tss!" lakad nya papunta sa may couch. Kaya sumunod ako at binuksan ko yung laptop ko. "Cloude, may kita akong--Chicks" tingin sa akin ng pumasok. "Hi! Miss?" lumapit siya sa akin. "Twilight Sky" "Beautiful" "Playboy ka 'no? Sabagay halata naman" "I like you" "Tss!" sabi ni Hollis kaya napatingin ako sa kanya at sa kaibigan niya yata. * * * * * * Cloude Yule's POV "Gusto ko yan" sabi niya habang nakatingin kay Travis. "What the!" 'Is she flirting with Travis? ' "Gusto ko ng cupcakes" turo nya sa likuran ni Travis. Nandoon si Ai na may hawak ng tray. "Sana magustuhan mo but mamaya maggawa uli ako para sa'yo" sabi ni Ai at nilapag yung tray sa lamesa. "Magkano?" Tumawa si Ai. "No. Walang bayad. kumuha ka na lang Twilight" "Talaga?. hehe" kumuha nga sya ng isang cupcake. "Good Morning. Kaninong sasakyan ang nasa-- Miss Twilight?" gulat na tingin ni Mike. Napatingin kami lahat sa kanya na sinusubo ang cupcake ng buo. "Ang sarap!" tingin niya kay AI. "Thanks!" "Ganyan talaga si Ate Ai masarap magbake" "Thanks, Mike Winz" "Buti ka pa marunong mag-bake ako magluto lang ng ulam" "Talaga?! next time, magbobonding tayo. Girls talk, you know?" "Bonding talaga Ate Ai?" "Yes, Mike. May problema ka ba?" "Wala naman" "Teka! Nagkita na tayo diba?" turo nya kay Mike. "Ah! Eh! Oo" kamot niya sa ulo. "Ahh! kaya pala. Kuya mo to?" turo niya sa akin. "Hindi kaibigan ko lang sya" "You know, guys? Akala nya nga kanina Kuya ko si Cloude" Patawa pa lang yung dalawa pero tinignan ko siya ng masama. "Oh? bakit hindi nyo tinuloy yung tawa nyo?" "Tss!. Nasa kitchen ba si Mom?" "Yup!." Kaya naglakad na ako papunta sa may kusina. "Uy!. Hollis. dalian mo mag-breakfast, may gagawain pa tayo diba?" "Pfft!- anong gagawain nyo?" napalingon ako sa tanong ni Mike Winz. "Mag gagawa kam--" "Anong gagawin nyo?" Pasok ni Rexie. "Mag-gagawa kami ng report, diba?" tingin niya sa akin at kumain uli ng cupcake. "Tss! Yeah." talikod ko. "Dalian mo ha?" tinaas ko na lang ang kamay ko para manahimik sya. Pagkapasok ko sa kusina nakita ko agad si Mom na naghahanda ng pagkain. "Buti naman nagpapunta kana ng ibang tao dito bukod sa kaibigan mo" tingin nya sa akin. "May gagawin po kaming report" upo ko. "Gusto ko syang makilala mamaya, ihahatid ko lang 'tong sa Daddy mo" taas nya sa may tray. "Mukhang natutuwa si Amber sa kanya" silip nya pa. "Tss! I don't know and I don't care" "Nak, kumain ka nga init ng ulo mo, akyat lang ako" kumain na lang ako. ~~~ Pagkatapos ko kumain, lumabas ako ng kusina at nagtatawanan sila. "You're so cute, Twilight" Ai said. "Minsan lang" ngiti naman niya. Tawa rin ni Mike. "Nak nang! ang takaw mo pala, Miss Twilight" Bigla syang dumighay ng malakas. "Excuse me!" tawa niya at tumawa rin ang mga tao sa paligid niya. "Nakaka-inlove ka alam mo ba yun?" sabi ni Travis. "Shut up! Travis. Wag ka ngang playboy dito sa house" "Miss Amber, naman eh!" "Hollis! tapos kanang kumain?" napansin na niya pala ako at agad lumapit siya sa akin. "Tara na gawin na natin yung gagawin natin" "O?! May girlfriend kana Cloude at anong gagawin nyo, pre?" pasok ni Grayson. "Hindi nya ako girlfriend ng lalaking mukhang babaeng 'to." turo niya sa akin. "Ano? Lalaking--" tawa ni Mike Winz. "Mukhang babae!" tumawa siya habang hawak pa ang tyan niya at nagtawanan rin sila Ai. "Gusto ko yon" tawa pa ni Mike. "Tss!. Umalis na nga kayo!" "Meron yata si lalaking--" "Ituloy mo hahalikan kita" inis ko tingin sa kanya. 'Damn it! Why-- f**k!' "Wow! may halikan magaganap, Tara sibat na tayo mga men." rinig kong sabi ni Mike. "T-Tara na, gawin na natin yung report" lakad niya papuntang sofa. "Okey. mag-be-bake muna ako, Twilight. Iwan muna kita sa kapatid ko. Sigaw ka lang kapag inaway ka." "Dun muna kami sa may garden, Miss Twilight. Sigaw ka lang rin ha?" kaway ni Mike Winz. "Ano bang nangyayari?" tanong pa ni Grayson kay Mike. "Wag ka ng magtanong dito, Grayson, dun na lang sa may labas" "Pero-" "Tara na. Wala nang pero pero." Umalis na sila at kami na lang dalawa. "Smith, I'm sorry for what I said." tingin ko sa kanya. "Okey lang. Alam ko namang joke lang yun, tara?. Magsimula na tayo, may gagawin pa kasi ako mamaya" upo nya habang binubuksan yung laptop niya. "Kuwain ko lang yung laptop." I said. "Okey" ngiti niya. Biglang kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Bakit ka nakatingin?" "What--Tss!" Naglakad na lang ako papunta sa taas at hindi na lang siya pinansin. 'What is happening to me?' * * * * * * . #15 #TMAPaP #EllyM.E. IAmElainah ===ELAINAH M.E===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD