Chapter 42: Twilight Sky's POV Hindi ako mapakali, hindi pa pumapasok si Hollis at ganun din si Skyler. Magkasama kaya sila ngayon? Sila na kaya uli?. "Cous, okey ka lang ba talaga?" bulong ni Zhynly at tumango lang ako. Hanggang sa matatapos na ang klase namin, wala pa rin sila Hollis. ~~~ Lumabas na kami ng makita ko si Homer at Jacob na kasama si Autumn. Alam kong nag-aalala pa rin sila sa akin pero okey naman ako eh. Okey na okey. "Twie, gusto mong ilibre kita ng cupcakes?" tanong ni Jacob. "Bahala ka" sagot ko at ngumiti. Napakamot siya ng kanyang ulo at tumingin kay Zhynly. "Miss Twilight!" lapit ni Rexie at Mike sa amin. "Totoo bang inaway ka ni Skyler?" tanong ni Rexie. "Nak talaga ni Ricky eh! no? narinig mo naman diba?" sabi ni Mike. "Pero bakit?" "Isa ka rin eh!." turo

