KABANATA 2

1156 Words
MAY isang linggo na ang lumipas ulit ng huli silang mag-usap ni Misty. Hanggang ngayon ay pinag-iisipan pa rin niya ang suhestiyon nito sa kaniya. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili sa mga nakalipas na araw. And the feeling is the same. wala pa rin nagbabago. Sabaw pa rin ang mga update niya at hindi na siya natutuwa talaga. Baka marahil ay tama ito ng sabihin sa kaniya iyon. Hindi kaya panahon na nga para palayain na muna na niya ang kaniyang sarili pansamantala sa hawlang siya mismo ang gumawa. Ilang araw din niyang inisip-isip talaga ang suhestiyon nito at dahil nakabuo na siya ng desisyon ngayon ay siya na mismo ang tumawag sa opisina ng BP pub para magsabi ng kaniyang desisyon. Ibinilin kasi nito sa kaniya na kung nakapag desisiyon na siya ay ang mismong Big boss na nila siya magsabi para magpaalam. Sinabi pa ni Misty sa kaniya na huwag siyang mangamba na hindi siya papayagan ng management dahil sapat na ang walong taon na ibinigay niyang panahon sa mga ito. Bukod roon hindi naman siya magpapaalam na titigil ng magsulat kung hindi, hihingi lamang siya ng pahinga para sa utak niyang nawalan na ng ganag mag-isip para sa mga bagong ediya sa kaniyang akda. Nagtungo siya sa pinaka sala ng kaniyang condominium unit. Noong isang taon lamang ganap na niya itong nabili. Apat na taon rin siyang nag-installment sa unit na ito at ngayon nga ay ganap ng kaniya. May malinaw na siyang masasabing pundar at katas ng bawat pagsusulat niya at malaki ang naitulong BP pub house sa kaniya. Dinampot niya ang reciever ng landline phone niya at tsaka pinindot ang numero ng kanilang Big boss sa pinaka opisina na nito nakarekta. "Hello." Isang suwabe at buong-buong boses ng lalaki ang narinig ni Bituin na sumagot sa kaniya. Alam niyang lalaki ang kanilang Big boss at inaasahan na niya na ito ang makasasagot ng kaniyang tawag. Kung mayroon siyang hindi inaasahan iyon ay ang boses nitong tila kay sarap sa kaniyang pandinig na agad. Samantalang hello pa lang naman ang nasasabi nito sa kaniya. Kaya hindi siya nakasagot agad dahil biglang naglakbay ang utak niya sa baritonong boses nito. Umiral ang pagiging writer niya at hindi naiwasan mag-imagine ng isang eksena sa utak niya sa pamamagitan lang ng boses nito. "Who's this?" muli niyang narinig na tanong nito na nakapag-pabalik sa kaniya buhat sa pag-iimahinasiyon. May bahid na ng pagka-inip sa tono nito. "Kung sino ka man? Puwedi bang magsalita ka na. Huwag mo'ng sinasayang ang bawat minuto ko, okay. Wala akong nata()tanggap rito na tawag direkta sa akin kung hindi mahalaga. So, just talk." Napalunok bigla si Bituin dahil sa sinabi nito. Sa walong taon niya sa BP pub ngayon lang niya nakausap talaga ang pinaka Big boss. Kung sa bagay kasi bihira naman kasi talaga siyang tumawag sa BP pub. Puros via email siya kung makipag transaction. At kung kailangan naman na makausap siya talaga si Misty ang tumatawag sa kaniya para sa mga consern nito na ayaw padaanin via email. "G-Good afternoon, Sir," panimula ni Bituin. I'm Bit—" Natigilan siya bigla kung dapat niya bang sabihin rito ang kaniyang pangalan talaga o ang kaniyang pen name. Hindi nabangit ni Misty kung saan ba siya kilala ng kanilang Big boss. Ngunit sa huli ay nagpasiya siya na ang kaniyang pen name ang bangitin rito. "I'm Author Iambeautifull2.0 one of your exclusive writer, Sir," saad niya. "Oh. . . I see. Ang isa sa exclusive writer ng BP Pub na may pinaka mataas na sales always sa mga published book na hindi nawawala sa best selling sa mga Book Store. If im not mistaken you are Bituin Sakramento behind you're pen name rigth?" "Yes Sir." "Sa wakas, narinig ko rin ang boses ni Iambeautifull. Parang masarap yatang ipag-diwang ko ito para sa tulad mong Anonymous writer in all aspect," turan pa ng Boss niya na ikinakunot ng noo ni Bituin. "Ano ba ang maipaglilingkod ko sa iyo Miss. Sakramento para maisip mong tumawag sa akin pa mismo." "Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa Sir. Sinabi po ni Editor Misty na sa inyo ako magsabi ng diretso para sa hihingin kong pabor na ito," aniya na sa kausap. "Oh, after eigth years another favor to you. Natatandaan ko humingi ka ng pabor noon para sa mga nakasaad sa kontrata mo at lahat ng hiniling mo ay pabor sa iyo. Well, alam mo ba na ikaw lang ang tanging writer ng BP pub house na may ganoon klase ng kontrata." "Yes Sir. Nasabi po iyan sa akin ni Editor Misty," diretso niyang saad sa kausap na Boss nila. "At nagpapasalamat po ako ng malaki sa bagay na iyan at tatanawin ko'ng isang napakalaking karangalan ang mapagbigyan sa ganoon klase ng Kontrata." "So, ano ang bago mong hihilingin na pabor Miss. Sakramento?" "Hihingi po ako ng bakasiyon Sir," diretso na niyang saad. "Kailangan ko ho ng bakasyon para pansamantalang iwanan na muna ang mundo ng pagsusulat. Nawawalan na ho kasi ako ng gana kaya wala na akong matapos na akda. Isa pa nawawala na rin ang confidence ko sa bawat akda ko. Pakiramdam ko tulad ko na ring pangit ang mga gawa ko." Bahagya siyang tumawa sa sinabi niya mismo. Bakit ba pati mga akda niya ay dinadamay niya sa kawalan niya ng confidence sa panlabas niyang itsura? Marahil dahil iyon talaga kasi ang nararamdaman niya kaya niya nasabi iyon. "Naisip ko ang suhestiyon ni Editor Misty sa akin na kailangan ko lamang marahil ng pahinga para ma-relax ang utak ko. Na kung hindi ko gagawin ay baka mabaliw na po ako Sir, sa kaiisip at kapipilit sa mga update kong wala nang laman," mahaba niyang paliwanag sa kaniyang boss. Wala siyang nakuhang agad na sagot rito. Baka pinag-iisipan pa nito ang kaniyang sinabi at inaaral pa kung dapat siyang pagbigyan. Wala pa man itong sagot sa kaniya ay kung ano-anu na agad ang tumakbo sa utak niya. Pag hindi siya pinayagan nito 'di huwag. Iyon nga lang huwag ng umasa ang mga ito na may matino pa siyang istoryang magagawa or worse baka mag-resign na siya. Para saan pang magsulat kung nawalan na nga siya ng gana. Tila minuto rin yata ang lumipas bago ito nagsalita kasi nainip siya, eh. "Kung sa palagay mo ay iyan ang kailangan mo para manumbalik ang sigla mo sa pagsusulat at magpapabalik ng confidence mo, hindi lang sa pagsusulat mo maging diyan sa sarilli mo, sino ako para tutulan ang hinihiling mo? Okay go ahead," turan nito sa kaniya. "Thank you Sir. Kailangan ko lang muna sigurong talikuran pansamantala lang naman ang pagsusulat. Iyong kalimutan ko muna na writer ako, iyong walang iisipin na mga salita sa utak ko na kailangan ko'ng ilapat sa bawat akda ko. "Go. Ang Berdeng Pahina Publishing House ay hihintayin ang pagbabalik ni Iambeautifull2.0." Natuwa siya sa pagpayag ng kanilang Big boss kaya labis labis ang kaniyang naging pasasalamat rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD